Boss Emong sasabak sa Condition Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 29, 2022
Magsasaya na naman ang mga tagahanga ni Boss Emong dahil sasalang ang kanilang idolong kabayo sa Condition Race Merged (10) ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Huling nasilayan sa pista si Boss Emong noong Disyembre 2021 ang tumakbo ito sa kontrobersyal na Presidential Gold Cup.
"Ang importante tatakbo ulit ang paborito kong kabayo na si Boss Emong, naka move on na ako sa performance niya sa Presidential Gold Cup," pahayag ng fanatiko ni Boss Emong na si Dennis Manansala.
Gagabayan ni veteran jockey Dan Camanero, masusubukan ang tikas ni Boss Emong kontra apat na tigasing kabayo sa distansyang 1,400 meter race.
Makikipagtagisan ng bilis si Boss Emong kina Greatwall, Box Office, Runawayfromrosenot at Stravinsky sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
"Patok si Boss Emong diyan, mahirap siyang talunin dyan sa laban," komento ni Felix Gatdula sa social media.
Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng 12 kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping Sytem na aarangkada sa pangatlong karera.
Posibleng magdomina sa bentahan ang mga kalahok na sina Noh Sen Young Yana, It's A Deal at Midnight Sonata sa distansiyang 1,400 meter.
May P25,000 added prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kasali ay sina Giaann Tsie, Bowties And Charms, Money Dance, Smiling Lady, Bebang, Grand Laughter, Great Connection, Gethsemanesmiracle at Tons Of Gold.
Hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang premyong P5,000.
Samantala, walong balanseng races ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Sabado kaya inaasahang magiging masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
- Mga pili ni Green Lantern:
Race 1. Boss Emong (5), Box Office (2)
Race 2. Indy Bell (7), El Mundo (1)
Race 3. Noh Sen Young Yana (8), It's A Deal (5), Bebang (6)
Race 4. Rafa (3), Plus (5), Winsome Maxxine/Adorable Maxinne (7/7A)
Race 5. Havana Oohnana (6), Peter's Pride (5), Achilles (2)
Race 6. Ambet Ko To (5), Rockaway (2)
Race 7. My Jopay, Hee Nieve Rahh (1), Heneral Agueda (4)
Race 8. Triple Track (2), Speedy Chase (1), Malabon Boy (6), Biktori (11)





Comments