top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Boss Emong at Don Julio magdadaigan sa A.P. Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 19, 2023


Magpapasikatan sina Boss Emong at Don Julio pagharap nila sa 2023 PHILRACOM A.P. Reyes Memorial Race na ilalarga sa Metro Tur, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Agosto 27, (Linggo).


Galing sa impresibong panalo sina Boss Emong at Don Julio kaya inaasahang makakapanood ng magandang laban ang mga karerista lalo na at mga tigasing kabayo din ang ibang mga naghayag ng pagsali.


Naghari si Boss Emong sa Araw ng Maynila Gran Copa De Manila habang inilampaso ni Don Julio ang mga nakatunggali sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System race.


May distansiyang 1,800 meter race, ang ibang nagsaad ng paglahok ay sina Jungkok, Magtotobetsky, Robin Hood at Sartorial Elegance sa karerang nakalaan ang P1-M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.


Ayon sa komento ng ibang karerista sa social media, posibleng magpakitang-gilas din ang magka-kuwadrang Robin Hood at Magtotobetsky para sikwatin ang P600,000 premyo. "Maganda rin ang itinakbo ni Robin Hood noong nakaraan kaya malaki ang tsansa niyang manalo," saad ni Juanito Villahermosa, veteran karerista.


Kukubrahin ng second placer ang P225,000 habang tig- P125,000 at P40,000 ang third at fourth.


Magbubulsa rin ng P50,000 ang breeder ng winning horse habang tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Bukod sa nabanggit na karera, may ibang races pa ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya mas magiging masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page