top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bornea, giniba si Obbadi para no. 1 contender na vs. Ancajas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | January 16, 2022




Sinuntok ni undefeated Filipino boxer Jade “Hurricane” Bornea ang daan patungo sa pinakaaasam na World title shot laban sa kababayang kampeon na si IBF super flyweight Jerwin “Prettyboy” Ancajas matapos pabagsakin sa 3rd round si Mohammad “Maraviglia” Obbadi, Sabado ng hapon sa Arena Jose Sulaiman, Mexico.


Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ng 26-anyos mula General Santos City na makatayo pa ang Moroccan-born, Italy based boxer nang patamaan ng right hook at left uppercut sa rib cage para mapaluhod at hindi na makatayo sa 10 bilang eksakto sa 1:25 ng 3rd round.


Hihintayin na lang ng Arakan, Cotabato del Norte-born na si Bornea (17-0, 11KOs) na maidepensa sa ika-10 pagkakataon ng 30-anyos na tubong Panabo, Davao del Norte na si Ancajas (33-1-2, 22KOs) ang titulo kontra kay Fernando Daniel Martinez ng Argentina sa Pebrero 26 sa Showtime card. Gayunpaman, sakaling magwagi si Ancajas ay paniguradong itutulak nila ang unification clash kontra kay WBO junior bantamweight champ Kazuto Ioka ng Japan sa Mayo o Hunyo, matapos maunsyami ang pagtatapat noong Disyembre sa Tokyo, Japan dahil sa paghihigpit sa pagpasok sa bansa dulot ng COVID-19.


Sa takbo ng laban nina Bornea at Obbadi, maagang ipinamalas ng Filipino boxer ang mga patamang suntok sa katawan ng Italy-based boxer, ngunit hindi nagpatinag ang 28-anyos na tubong Casablanca, Morocco ng bumitaw ito ng kanang straight para mapilitang mag-adjust si Bornea.


Patuloy na inangkin ni Bornea ang kabuuang round 2 nang ibuhos ang mga mabibigat na patamang suntok, habang hindi nito tinantanan ang mga atake sa round 3 sa pagbitaw ng kanang hooks, subalit may mga pagkakataong nakakatama si Obbadi sa mga bukas na depensa nito.


Sa kalagitnaan ng laban sa ikatlong round ay nakakunekta ng kanang hook si Bornea para mapanatili sa ropes si Obbadi, kung saan sinundan na ito ng kaiwang uppercut sa bodega para paluhurin ang katunggali at hindi na makatayo pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page