top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bored na raw sa mga alahas kaya manok na ang hinihimas… GRETCHEN, MGA SOSYAL NA BFF ANG KASAMA NOON,

  • BULGAR
  • Sep 20, 2021
  • 2 min read

MGA SABUNGERO NA NGAYON


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 20, 2021



Ang galing na palang manghuli ni Gretchen Barretto ng panabong na manok.

Sa kanyang Instagram Stories ay ipinakita ni La Greta kung paano hulihin ang isang tandang. Kumakanta siya habang dahan-dahang lumalapit sa tandang sa napakaelegante pa rin niyang paglalakad.


‘Kaaliw namang tingnan na nang mahuli ang panabong ay hinimas-himas pa niya ito. Sanay na sanay na nga si Greta na humawak ng panabong na manok.


Katunayan, ang isa niyang panabong ay tinawag na Lady Tiger. Ito ang kanyang inilalaban sa malakihang derby.


Pero may ilang netizens ang hindi natuwa at pabor sa bagong kinahihiligan ni Gretchen. May tumawag pa ngang “animal abuse” sa ginagawa ngayon ng aktres.


“Nagpapatayan ang mga manok para lang sa pustahan n’yo,” sey ng isa.


Nag-iba na nga raw ng crowd si La Greta na ang mas nakakahalubilo ngayon ay ang mga bigating sabungero, unlike raw noon na mga sosyal na girlfriends ang kasa-kasama nito na kanya pang ipinagluluto.


Business nina Atong Ang at Gretchen ang online sabong, kaya hindi masisisi kung natututong magsabong ang dating sexy actress.


Sey naman ng isang netizen, “Mukhang bored na si Madam sa mga alahas niya, manok naman ang napagdiskitahan.”


Well, hindi naman siguro laging nagsasabong si La Greta. Kumbaga, libangan lang niya.

Oh, by the way, many thanks nga pala kay Gretchen dahil marami sa mga nasa movie industry ang pinadalhan niya ng ayuda.


Hindi naman siya kakandidato, pero pinahingi niya ang lahat ng address ng entertainment press at maging ng mga stand-up comedians or ibang mga kapwa niya artista para ipadala ang kanyang “For The Love” na ayuda.


Matagal nang hindi aktibo si Gretchen sa pag-aartista, pero sa panahon ng pandemya, hindi siya nakalimot na tumulong sa mga taga-showbiz industry.


Kaya, maraming-maraming salamat, La Greta, sa iyong kabutihang-loob.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page