top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Booster campaign, aarangkada

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 24, 2022



Upang paigtingin pa ang pagtuturok ng booster dose sa bansa, maglulunsad ng booster campaign ang Department of Health (DOH).


Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ilulunsad ang naturang kampanya sa Hulyo 26, na gagawin sa unang 100-araw ng panunungkulan ni President Ferdinand Marcos, Jr., katuwang ang mga local government units.


Gayundin, target ng kampanya na mabakunahan ang 90% ng senior citizen (A2) at bigyan ng booster ang 50% ng target population.


Gagawin din umanong mas accessible ng ahensya ang mga bakuna. Halimbawa, umano ang paglalagay ng vaccination sites sa mga palengke, lugar ng pagsamba, mall, transport terminals, mga pabrika, plaza at mga paaralan. Habang maaari rin anilang magkasa ng home visitations para sa A2 population.


Samantala, base sa datos ng DOH noong Hulyo 19, mahigit 71.4 milyon na ang fully-vaccinated kontra COVID-19, habang 15 milyon pa lamang ang nakatanggap ng booster dose.


Matatandaang unang hinimok ng ahensya ang pamahalaan na gawing mandato ang pagbibigay ng booster dose sa pangkalahatang populasyon.


Bukod sa pagpapataas ng bilang ng mga naturukan ng booster dose, layunin din ng kampanya na maproteksiyunan ang taumbayan laban sa malalang epekto ng COVID-19.


Ito ay sa gitna ng pagsulpot ang iba pang variant ng naturang sakit.


Gayunman, umaasa tayo sa kooperasyon ng publiko, lalo pa’t para rin naman ito sa kaligtasan ng lahat.


Pero sana’y hindi magtapos sa ika-100-araw ng panunungkulan ni Pangulong Marcos ang booster campaign. Kumbaga, dapat may backup plan ang ahensya upang maipagpatuloy pa ang pagbabakuna. Hangad nating maging matagumpay ito sa lalong madaling panahon.



Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page