top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Bonus ng mga titser, ‘wag puro pramis!

BULGAR
Aug 25, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 25, 2022


Nagbukas na ang School Year 2022-2023, ngunit hindi pa rin natatanggap ng ilang guro ang kanilang performance-based bonus.


Giit ng pangulo ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers na si Sheila Manuel, dapat noong Disyembre ng nakaraang taon pa nila ito natanggap.


Kaya naman patuloy sa pananawagan sa pamahalaan ang ilang guro na ibigay na ang naturang bonus, gayung halos lahat ng ahensya ng gobyerno ay nabigyan na at napag-iiwanan umano ang kanilang hanay.


Ang panawagan ay sa kabila ng pagtanggap ng mga public school teachers ng P5,000 allowance na nagsimulang i-release noong Lunes, Agosto 22, kasabay ng pagbubukas ng klase.


Kuwento ni Manuel, bagama’t pumasok naman na sa kanilang ATM ang naturang allowance na ipinangako ng gobyerno, kulang pa ito sa kanilang mga gastusin sa klasrum, tulad ng pintura at iba pang pangangailangan.


Dagdag pa niya, hindi sapat ang mga donasyon na ginagawa ng local stakeholders sa Brigada Eskuwela, lalo na’t may pandemya.


Sa totoo lang, hindi biro ang lahat ng pagod at sakripisyo ng mga titser para maitaguyod ang edukasyon sa gitna ng iba’t ibang hamon ng pandemya.


Marami sa kanila ang dumaan sa iba’t ibang hirap nang sumabak sa blended learning. Pahirapan sa internet connection at nasubok ang pasensya para matutukan ang mga estudyante.


Kaya kasabay ng panawagan na ibigay na ang performance-based bonus ang isa pang pakiusap na sana’y mabigyan pa sila ng dagdag na tulong ng pamahalaan.


Ilan lang ‘yan sa mga hiling ng guro at batid nating hindi biro ang kanilang mga pagsisikap para makapagturo kaya pakiusap sa mga kinauukulan, ibigay ang mga ipinangako sa mga guro.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page