Bonus ng gov’t. workers, ibibigay na
- BULGAR

- Jul 10
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 10, 2026

Photo: File
Inaasahang matatanggap ngayong taon ng mga kwalipikadong kawani ng pamahalaan ang kanilang 2024 Performance-Based Bonus (PBB), ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ipoproseso na ang bonus at posible pa itong maipalabas nang mas maaga kumpara sa mga nakaraang taon.
“Ito mismo ang salita mula sa DBM. Ang Fiscal Year 2024 Performance-Based Bonus para sa mga kwalipikadong kawani ng pamahalaan ay ipoproseso at inaasahang maipagkakaloob ngayong taon. Baka mas maaga pa, earlier,” Ayon kay Castro
Nakalaan na rin aniya ang pondo para sa PBB sa ilalim ng Fiscal Year 2026 General Appropriations Act (GAA), kaya tiyak ang pondo para sa pamamahagi nito.





Comments