top of page

Ganern, Daniel! ALDEN, SOLB NA KAHIT WALA SILANG LABEL NI KATHRYN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2025
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 2, 2025



Photo: Alden at Kathryn - KathDen FB


Balik sa pagho-host sa All-Out Sundays (AOS) si Alden Richards ngayong tapos na ang lahat ng kanyang commitments.  


May bagong show na inihahanda para sa kanya ang GMA Network, kaya break muna siya pansamantala sa serye. 


Masaya at nag-e-enjoy naman si Alden sa AOS. Bale pinaka-bonding na niya ito sa mga dating kaibigang Kapuso artists.


Ngayong 2025, looking forward si Alden sa mga TV at movie projects na kanyang gagawin. Thankful din siya dahil patuloy ang dating sa kanya ng malalaking endorsements.


Samantala, naghihintay naman ng update ang KathDen fans sa latest na status ng kanilang relasyon. Wala pa bang kasunod ang Hello, Love, Again (HLA).


Kahit sana endorsements na magkasama sila ni Kathryn, masaya na ang KathDen fans. 


Pero sa ngayon, okay na kay Alden na walang label ang closeness nila ni Kath. Basta may regular silang communication at updated sa mga kaganapan ng isa’t isa. 


Anytime na kailangan siya ni Kathryn, naririyan lang siya. Ayaw ni Alden na magpa-pressure sa gusto ng mga fans ng KathDen.



Bonggang-bongga at napaka-generous na girlfriend ni Julie Anne San Jose. Isang mamahaling gitara ang ibinigay niya kay Rayver Cruz bilang anniversary gift. Labis na natuwa at nagpasalamat si Rayver sa natanggap na regalo na gustung-gusto niya.


Hindi lang nag-post si Rayver kung ano naman ang ibinigay niyang anniversary gift kay Julie Anne. Mapantayan kaya ng aktor ang pagiging galante ng nobya sa pagbibigay ng regalo? 


Well, mukhang suwerte sa isa’t isa sina Julie Anne at Rayver Cruz. Nag-click sila bilang tandem at swak ang kanilang partnership bilang singers, performers, at hosts. Ang hilig nila sa musika ang nagbuklod sa kanila at nauwi sa seryosong relasyon. Kaya wish ng kanilang mga fans ay tumibay pa ang kanilang pagmamahalan at patuloy na magtagumpay sa kanilang showbiz career.


So far, wala pa namang away o tampuhan na nababalita kina Julie Anne at Rayver Cruz. At dasal ng kanilang mga fans ay huwag sana silang matulad kina Barbie Forteza at Jak Roberto na nag-break after 7 years ng kanilang relasyon.


Buo naman ang tiwala ni Julie Anne sa nobyo. At sisikapin nilang malagpasan ang 7-year itch at magtagal ang kanilang relasyon.



MABUTI naman at may daily TV exposure ngayon si Jak Roberto habang wala pa siyang regular na serye sa GMA.


Kasama na siya ngayon sa mga hosts ng It’s Showtime (IS) at mapapanood araw-araw, Lunes hanggang Sabado—except Tuesday. 


Mahahasa siya nang husto sa pagho-host at mae-experience niya na makatrabaho ang mga Kapamilya stars tulad nina Vice Ganda, Anne Curtis, Amy Perez, Kim Chiu, Bela Padilla, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Darren Espanto, Ryan Bang, atbp.. 


Sey ng mga fans ni Jak, mas mabuti na kung may pinagkakaabalahan ang aktor upang makalimutan ang paghihiwalay nila ni Barbie Forteza.


Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga JakBie fans at kumakapit sila sa paniniwalang magkakabalikan sina Barbie at Jak Roberto. 


Nag-e-effort naman si Jak na makapag-usap at magkaayos sila sa naging problema nila ni Barbie.  


May tsika nga na nagpapadala raw ng bulaklak kay Barbie si Jak at nangungumusta. Hindi naman daw naputol ang kanilang komunikasyon. 


Ayon naman sa malalapit na kaibigan ni Jak, hindi siya basta susuko at gagawin ang lahat upang magkabalikan sila ni Barbie.


Payo naman ng mga netizens sa aktor ay huwag nitong madaliin ang lahat. Mag-focus muna siya sa kanyang career. Pasasaan ba’t maaayos din ang lahat kung sila talaga ni Barbie Forteza ang nakatakda para sa isa’t isa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page