top of page

Dumalaw na raw sa bahay… ASHLEY, UMAMING NILILIGAWAN NI RAVE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | March 15, 2026




SPECIAL ARTICLE - ASHLEY, UMAMING NILILIGAWAN NI RAVE/YT GMA Network
SPECIAL ARTICLE - ASHLEY, UMAMING NILILIGAWAN NI RAVE/YT GMA Network

Photo: YT @GMA


Ibinulgar ng young actress na si Ashley Sarmiento na nililigawan na siya ng Kapamilya actor na si Rave Victoria.


Sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nitong Biyernes, diretsahang pinakumpirma ni Boy Abunda sa Sparkle star kung nanliligaw na nga ba sa kanya ang binata.


“Opo, nag-start na po s’ya manligaw,” pahayag ni Ashley.


Ayon sa aktres, nakapunta na rin si Rave sa kanilang bahay at minsan na rin itong sumama sa kanilang church service kasama ang kanyang pamilya.


“Isang beses pa lang po s’ya pumunta sa house pero one time po, nag-church po kami, tapos in-invite po kami ng ate ko sa house n’ya para mag-bonding,” kuwento niya.


Samantala, inilarawan naman ni Ashley ang kapwa niya Sparkle actor at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2) housemate na si Marco Masa bilang kanyang ‘super duper best friend’.


Nilinaw pa niyang walang selosan sa pagitan nila ni Marco.

Sa panayam naman niya sa GMA News Online nitong Biyernes, ibinahagi ni Ashley na lalo pang lumalim ang samahan nila ni Rave.


“Madalas na kami magkasama ngayon. Ako po, masasabi ko na kung paano ko po s’ya nakilala noon, ganu’n ko po ulit s’ya nakilala ngayon here in the outside world,” pagbabahagi niya.


Ang tambalang Ashley Sarmiento at Rave Victoria, na tinawag ng mga fans na AshRave ay isa sa mga pinakasikat na love team na nabuo sa loob ng Bahay ni Kuya sa kanilang season.



PINURI ng dating Sexbomb Girls member na si Sunshine Garcia ang mister niyang actor-politician na si Alex Castro matapos nitong ihayag na ido-donate ang kanyang suweldo para makatulong sa mga sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.


Sa Facebook (FB) post nitong Biyernes, March 13, ibinahagi ni Castro ang kanyang plano na ibigay ang kanyang suweldo sa mga apektadong sektor dahil sa oil price hike, at itinag pa ang kanyang asawang si Sunshine Garcia.


“Ma (Mama), Sunshine Garcia, ‘yung suweldo ko, i-donate ko muna sa mga sektor na naapektuhan ng taas ng gasolina, ikaw na muna bahala sa ulam natin,” ani Castro sa kanyang post.


Agad naman itong sinagot ni Sunshine at todo-suporta sa desisyon ng mister.


“Very good, Papa. Yes, si Mama na muna bahala. I got you! Dami kong booking ngayon,” sagot ng dancer-actress.


Sa kasalukuyan, nagsisilbi si Castro bilang vice-governor ng Bulacan mula pa noong 2022.


Nauna na rin niyang ibinahagi na inaprubahan ng 12th Bulacan Legislative Assembly ang dalawang proposed resolutions na layong protektahan ang kapakanan ng mga residente ng Bulacan laban sa epekto ng tumataas na presyo ng petroleum products at sa mga mapagsamantalang gawain sa bentahan nito. 


Kabilang dito ang Proposed Provincial Resolution No. 20-2025, na nananawagan sa mga lungsod at bayan sa Bulacan na mahigpit na bantayan at bawiin ang business permits ng mga establisimyentong mapapatunayang sangkot sa overpricing, profiteering, hoarding o pagre-restrict ng bentahan ng petroleum products.


Samantala, inaprubahan din ang Proposed Provincial Resolution No. 21-2025, na humihiling sa national government na magbigay ng fuel subsidies para sa mga magsasaka, mangingisda, at public utility vehicle drivers sa lalawigan ng Bulacan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page