Bomogao gold sa IFMA World C'ships Malaysia
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 1, 2026

Photo: Erika Islay Bomogao - FB
Muling pinatunayan ni Muay Fighter Islay Erika Bomogao ang kabagsikan at kahusayan para sa ‘Team Bagsik’ Muay national team nang sumuntok ng bagong gintong medalya at pangunahan ang nakolektang 12 medalya kabilang ang 6 na ginto sa katatapos na IFMA World Championships sa Merdeka Square sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Dinaig ng undefeated women’s Atomweight Muay Thai fighter mula sa ONE Championship si Iryna Ladyenko ng Ukraine sa puntusan upang makamit ang panibagong korona, habang nakuha ng pambato ng Indonesia at Greece ang tig-isang tansong medalya sa women’s Female Senior Wai Kru.
Ilan pa sa mga nagwagi ng gold medal sina Leo Albert Pangsadan sa Male U24 -45kg, tambalan nina dating SEAG titlists Rhichein Yosorez at Kylie Mallari sa Female Senior Mai Muay, Ariel Lee Lampacan at Phillip Delarmino sa Male Senior Mai Muay, Jasmine Dagame at Xian Denis Robillos sa Female U24 Mai Muay at Jan Brix Ramiscal at Tyron Jamborillo sa Male U24 Mai Muay.





Comments