top of page
Teddy Corpuz - IG.jpg

Bomer ng Kenya champ uli sa 10-Miler Series Manila 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 29, 2026



Umulit si Evans Bomer ng Kenya bilang kampeon sa Manila Leg ng Rexona 10-Miler Series 2026 kahapon ng umaga sa Quirino Grandstand. Binuo ng kanyang kababayan Pamela Bundotich ang doble kampeonato sa pagwagi sa panig ng kababaihan.

Photo: PBA



Umulit si Evans Bomer ng Kenya bilang kampeon sa Manila Leg ng Rexona 10-Miler Series 2026 kahapon ng umaga sa Quirino Grandstand. Binuo ng kanyang kababayan Pamela Bundotich ang doble kampeonato sa pagwagi sa panig ng kababaihan.


Umoras si Bomer ng 52:45 at sundan ang kanyang tagumpay sa Pasay Leg noong Marso 29. Pumangalawa si Eduard Flores sa 54:09 at pangatlo si Ritchie Estampador sa 56:58.


Bumawi si Bundotich sa kanyang pagiging pangalawa lang sa Pasay at tinapos ang karera sa 1:03:10. Sumunod si Maricar Camacho sa 1:08:04 at higitan din ang pagiging pangatlo sa Pasay City habang pangatlo si Meljoy Gonzales sa 1:08:30.


Nasubukan ang mga kalahok sa rutang dumaan sa Roxas Boulevard at tumuloy sa Jones Bridge. Umikot sa Intramuros kasama ang bagong tulay sa Binondo bago bumalik sa Luneta.


Sa 10 kilometro dinaig ni Christian Pandili (42:40) sina Orly Sevilleno (43:13) at Shen Dandred Hernando (46:42). Panalo sa kababaihan ang beteranang si Jocelyn Elijiran (45:35) at iniwan ang mga kabataan Rika Hasebe (51:11) at Rovie Jay Angcona (56:51).


Pumaspas sa limang kilometro si Jaren Ganan (17:30) para mabigo si Daren Diestro (17:43) habang malayong pangatlo si Kristoffer Sison (19:15). Pinakamabilis sa kababaihan si Kaye Villanueva (20:58) at sinundan nina Jo Punay (22:28) at Jessica Wilczak (23:39).


Ang mga nalalabing yugto ng serye ay sa QC (Agosto 16), Makati (Setyembre 13) at Iloilo (Nobyembre 29). Puntirya ng mga mananakbo na magawaran ng malaking Conquerors Medal kung tatapusin ang 10 milya sa lahat ng pitong yugto at mas maliit na medalya para sa apat na karera sa Metro Manila.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SUNDAY,  JUNE 28, 2026  JACKPOT PRIZE*

Ultra Lotto 6/58  : 46-56-08-01-03-05 ₱ 128,000,000.00
Super Lotto 6/49 : 32-01-35-23-14-29 ₱ 46,214,516.39
3D Lotto 2 PM      : 3-26-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 0-1-7-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
7-7-0-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page