Bolts, sumampa sa Semis; Limitless App sa 4th C'ship
ni Gerard Arce - @Sports | March 19, 2022

Dinale na ng No.4 Meralco Bolts ang San Miguel Beermen nang lagukin ito sa 100-85 kahapon sa kanilang quarterfinal matchup at dumiretso na sa semis sa 2021 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Nagmalupit sa depensa ang Bolts at limitahan sina Shabbazz Muhammad at June Mar Fajardo sa kontribusyon habang bumanat ng game-high 32pts si Tony Bishop sa Bolts. Naging ka-tandem si Cris Newsome sa 22 pts para pumasok sa semis.
Nagtapos lamang sa 24 pts ang 29-anyos na si Muhammad sa 5 taon sa NBA. Kinapos sa suportang nakuha mula kina Terrence Romeo sa 17pts at 12pts ni CJ Perez. “It’s nice to be back in the semis and it’s not everyday that you beat a powerhouse team like San Miguel,” pahayag ni Meralco coach Norman Black sa post game conference.
Nakontrol ng Bolts ang laro sa pagpasok ng second half matapos mauwi sa tabla sa 26-26 sa first quarter at bahagyang makalamang sa 48-40 sa pagtatapos ng first half kung saan nagtulong ng bumanat sina Bishop at Newsome. Ngunit nanatiling nanindigan ang Bolts na hindi na pagbigyan Beermen.
Hihintayin na lang ng Bolts ang magwawagi laban sa top seed Magnolia Hotshots at No.8 Phoenix Super LPG sa last game kagabi.
Samantala, tatangkain ng Limitless App Masters na mapagwagian ang ika-apat na leg title sa 4th leg ng 2ond conference ng PBA 3X3 “Lakas ng Tatlo” ngayong umaga.
Napagtagumpayan ng App Masters ang bagong titulo sa 3rd leg nang magwagi laban sa TNT at unbeaten sa leg. Paniguradong pangungunahan ni 2022 Top draft pick prospect Brandon Ganuelas-Rosser ang kampanya ng 31st SEAG-bound na App Masters kasama sina Jorey Napoles, Marvin Hayes at Reymar Caduyac sa Pool A na makakalaban ang San Miguel, Cavitex, Master Sardines at Northport.





Comments