top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bolts, sa twice-to-beat, LPG, nanganib sa Playoffs

BULGAR
Mar 12, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | March 12, 2022




Naglalagablab na opensiba sa second half ang ipinakita ng Meralco Bolts kontra sa nanganganib na malaglag sa playoffs na Phoenix Super LPG matapos ang 109-90 panalo kahapon sa huling araw ng elimination round ng 2021 PBA Honda Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nilimitahan ng Meralco ang opensiba ng Phoenix sa third quarter sa 13 puntos na siyang naging malaking diperensya sa laro, habang kumana ng 32 points ang Bolts kasunod ng mainit na atake nina Tony Bishop at Allein Maliksi para dalhin sa 20-puntos na kalamangan sa 88-68 sa pagpasok ng last period.

Naibaba pa ng Fuel Masters ang kalamangan ng Meralco sa 12-puntos sa 92-80 sa 5:48 ng fourth period, ngunit muli na namang nagtulungan sina Bishop, Maliksi at Raymond Almazan upang dalhin sa biggest lead sa 22 puntos kasunod ng 10-0 blast sa 105-83 sa nalalabing 1:41 sa laro at tuldukan ang kanilang 3-game losing streak.

Kumana ng 35 pts, si Bishop habang may 4-of-8 three-point shot at 5-of-5 sa free throw line ang best player of the game na si Maliksi. Nag-ambag ng 14 points si Cliff Hodge, gayundin si Bong Quinto na may 11 points. Binuhat ni Du’vaughn Maxwell ang Phoenix sa 26 pts, na kinapos ng tulong mula kina RJ Jazul (16), Matthew Wright (13), Jason Perkins (12) at Jansen Rios (11).

“The win is very important for us because we lost our 3 straight games. We just focus and stay aggressive and smart on defense,” pahayag ni Meralco coach Norman Black sa post-game press conference, kung saan bahagyang nakakuha ng bentahe ang Meralco sa first period sa 37-28, habang nagtapos ang first half sa 56-55.

Dahil sa panalo, nakuha ng Meralco ang siguradong twice-to-beat advantage sa fourth place sa 7-4 kartada, kung saan nakatakda nilang makalaban ang San Miguel Beer na may tangan ring 7-4 o TNT Tropang Giga na naglalaro sa 2nd game kagabi kalaban ang Northport Batang Pier, kung saan sakaling matalo ang TNT ay babagsak ito sa 5th place, habang ang Beermen ay mapupunta sa third place.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page