Bolts panalo sa 3-OT vs. Fuels sa q'finals
- BULGAR
- Jan 19, 2024
- 2 min read
ni Clyde Mariano @Sports | January 18, 2024

Tinalo ng Meralco ang Phoenix sa tatlong overtime, 116-107, at ipilit ang sudden death sa quarterfinals sa 48th PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena kagabi.
Ito ang unang tatlong overtime mula nang naglaban ang North Port at NLEX noong 2019 Governors Cup at tinalo ng Batang Pier ang Road Warriors.
Panalo na sana ang Phoenix at hindi umabot sa tatlong overtime. Subalit sumablay ang kanyang dalawang free throws sa huling walong seconds at naipilit na Meralco ang pangatlong overtime at na outshot ng Bolts ang LPG Fuel Masters.
Sina Alein Maliksi, Bong Quinto at Chris Newsome ang nagsanib-pwersa sa pangatlong extra period para kunin ang scoring load kay Cliff Hodge na tumapos 20 points bago na-injured ang kanang paa.
Umiskor si Quinto ng 19, Aaron Black, import Shonn Miller at Allein Maliksi ng tig-18 points.
Napakasaklap at napakapait ang pagkatalo ng Phoenix sa laro kanilang dinomina.
Nabigo ang Fuel Masters ma-sustain ang kanilang laro sa tatlong OT sa sa lungkot ni coach Michael Jarin.
“It was hard earned win for us. We struggled all the way and forced us to play for three extra periods before getting the come-from-behind victory,” sabi ni coach Luigi Trillo.
Hindi pa nakapasok ang Phoenix sa semis mula sumali sa PBA noong 2016 na binili ang franchise ng Barako Bull Energy Drink at unang sumali sa Commissioner’s Cup.
Sa panalo, nasa Meralco ang momentum. Kailangan i-maximize ng Bolts ang momentum sa sudden death at umabante sa susunod na round.
Nasayang ang magandang laro ni Tyler Tio at dinala ang Phoenix sa malaking lamang 69-57 at tumapos ng tres tungo sa 77-64 lamang midway sa fourth quarter. Umiskor ang small but terrible na si Tio ng points, walo sa dalawang overtime at nabokya sa third extra period.
Tumipa si Jonathan Williams ng 24 points sa kabiguan ng Phoenix.





Comments