top of page
Search
  • C Mariano

Bolts mataas ang boltahe kinuryente ang Kings sa Game 2

ni Clyde Mariano @Sports | May 20 2024


Photo: PBA

Siniguro ng Meralco Bolts na hindi sila ma-sweep ng Barangay Ginebra Kings nang kuryentehin ng Bolts ang Kings, 103-91 at binalewala ang career high 41 points ni Christian Standhardinger at itabla ang serye 1-all sa best-of-five semifinal series sa PBA Philippine Cup sa MOA Arena.


Umiskor si Chris Banchero ng 99-91 at si Allein Maliksi ng jumpshot, 101-91, matapos mag-error ang Gin Kings at iposte ang sweet revenge victory.


Nagsanib-puwersa sina Maliksi at Chris Newsome sa pinagsamang 45 points at nag-ambag sina Clifford Hodge ng 13 at Banchero sa panalo ng Bolts. Muling itinanghal si Newsome na best player of the game nang umiskor ng 20 points at 4 na rebounds.


Maganda ang ipinakita ng Bolts sa field goal nang gumawa ng 36 of 65 attempts for 55.4 percent kumpara sa Kings 25 of 51 nang humablot ng 50 rebounds kasama ang 10 ni Hodge at 17 asssits.


Masama ang loob at gustong gumanti sa talo sa Game 1, 88-92 na-outshot at outrebounded ng Bolts ang Kings sa 48 minutes shooting contest para pigilan ang Kings at kunin ang pangalawang sunod na panalo para lumapit sa isang laro tungo sa finals.


Lumaban ang Kings at gustong manalo. Subalit pinaghandaan sila ng Bolts para pumasok sa court na fully equipped at kargado ng high voltage ang Bolts. “It was hard earned victory. They really want to win the game and they got it. They gallantly stood and fought Barangay down the stretch,” sabi ni coach Luigi Trillo katabi ni Chris Newsome sa post-game interview.


Panay ang balasa ni coach Tim Cone ng kanyang mga players subalit bigong makahulma ng epektibong formula para kunin ang pangalawang sunod na panalo.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page