top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bolts, kinuryente ang Road Warriors

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | February 12, 2022




Napanatili ng Meralco Bolts ang malinis na kartada sa bisa ng buwenamanong panalo sa pagbabalik ng mga aksyon ng 2021 PBA Governor’s Cup kahapon matapos ang mahigit isang buwang pagkakaantala dulot ng COVID-19 surge kontra NLEX Road Warriors, 110-100, sa Smart Araneta Coliseum.


Bumira ng team high 32 points, si import Tony Bishop para pamunuan ang Bolts sa pagkuha ng 3-0 marka sa pag-atake ng koponan sa pagsuporta ng apat na local na kumana rin ng double figures na kinabibilangan nina Aaron Black sa 19pts at Chris Newsome sa 18pts. Tila hindi kinakitaan ng pagkakalawang sa laro ang Meralco na huling beses pang nasilayan nung Disyembre 22 kontra TNT Tropang Giga sa 83-80 panalo nung isang taon, habang sinundan ng mahabang pagkakatigil ang mga laro dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na Omicron variant sa (NCR).


Tinukoy ni Meralco head coach Norman Black na patuloy na sumandal ang kanilang koponan sa matibay at mahigpit na depensa at patuloy na magandang laro ng 32-anyos American-Panamanian na reinforced import na may conference averages na 32ppg at 15.0 rpg.


“I think we located a formula to win, and it all starts with our defense, but it was Tony Bishop who remain consistent since the start of the conference. We begin to slow teams down by our defense, control the defensive boards and then start running, though our half-court offense is a work in progress, but we’ll find a way for it,” pahayag ng 64-anyos 11-time champion coach, kabilang ang Grandslam nung 1989 sa San Miguel Beer.


Inaasahan namang masasaksihan na ang bagong recruit ng Bolts na si Chris Banchero sa linggo kontra Brgy. Ginebra matapos makadalo na ito ng isang training session sa koponan. Mga laro ngayong araw: (Sabado) Smart Araneta Coliseum 4:00 n.h. – Blackwater Bossing vs Terrafirma Dyip; 6:45 n.g. – Rain or Shine vs Northport Batang Pier.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page