Bolts, kinuryente ang Fuels, McDaniels, bida
ni Clyde Mariano @Sports | March 6, 2023

Tinapos ng Meralco Bolts ang elimination round at tinalo ang Phoenix Fuel Masters, 92-86, sa PBA Governors Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.
Dikit ang laban mula simula at inangkin ng Bolts ang panalo sa second sa pangunguna ni import KJ McDaniel katuwang sina Chris Banchero, Aaron Black, Cliff Hodge at Chris Newsome.
Umiskor si Banchero ng tres sa huling dalawang segundo at isang drive matapos sumablay ang Phoenix sa 87-74 bentahe midway sa 4th quarter at hindi na binitaian ang renda nang pamumuno at iposte ang impresibong panalo at kunin ang pangalawang sunod na panalo sa loob nang dalawang araw matapos talunin ang pasok na sa quarterfinalist na Converge sa overtime, 132-129.
Inutusan ni coach Jamiki Jarin ang kanyang mga manlalaro sa full court press para lituhin ang Bolts at kunin ang panalo. Subalit hindi natinag at nasira ang loob nang Bolts para i-preseba ang panalo at itarak sa Phoenix ang pang-anim na talo sa sampung laro.
“It was hard earned victory. We trailing in the early in the game and we found our rhythm in the second half,” sabi ni coach Norman Black.
Kung matalo ang NLEX (7-3) sa San Miguel Beermen sa Marso 15, magtatabla ang Bolts at NLEX sa kartadang 7-4. Kung magkaganoon mapupunta sa Meralco ang pang-apat na puwesto at twice-to-beat advantage based on winner over the other kong saan tinalo ng Bolts ang Road Warriors, 114-98.
Ang league-leading Talk ‘N Text, San Miguel Beer at defending champion Barangay Ginebra ang unang tatlong koponan na mayroong twice-to-beat advantage





Comments