top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Body camera sa Immigration, epektib sana vs. katiwalian

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 14, 2023
  • 1 min read

@Editorial | October 14, 2023


Bago matapos ang taon, inaasahang gagamit na ang Bureau of Immigration ng mga body camera.


Ayon kay BI spokesman Dana Sandoval, pinoproseso na ang pagbili ng mga body camera.


Malaki ang maitutulong nito para ma-monitor ang ginagawa ng mga personnel na bahagi ng pagpapatupad ng accountability at magsilbi ring babala laban sa mga ilegal na gawain ng airport inspectors.


Sa pamamagitan ng mga body camera ay maiiwasan na ang mga reklamo laban sa kanilang mga tauhan o hindi magandang pakikitungo ng mga ito sa mga pasahero.


Magagamit din ang mga footage sa body camera para sa mga gagawing imbestigasyon sa alinmang insidenteng mararanasan ng mga kawani at mga pasahero sa hinaharap. Kumbaga, magagamit itong proteksyon para sa lahat.


Umaasa tayo na maayos at hindi palpak ang gagamiting body camera at dadaan sa maayos na inspeksyon.


Gayunman, wala pa ring mas epektib na bantay sa anumang ahensya o sitwasyon kundi konsensya.


Sa gitna ng lumalalang korupsiyon at pang-aabuso, piliin sana nating maging mabuting tao.


Minsan lang tayong mabubuhay, gawin natin itong makabuluhan at huwag magpapatukso sa kasamaan. Huwag magpasilaw sa titulo, yaman o kapangyarihan. Mas piliin nating maging patas at makatao.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page