top of page
Search
  • BULGAR

Bobot Mortiz, never nanligaw kay Nora, si Vilma talaga ang gusto

ni Angela Fernando @News | April 30, 2024


Muling lumabas sa telebisyon ang batikang singer-actor na si Edgar "Bobot" Mortiz at nagkaroon ng guesting sa show ni Boy Abunda na "Fast Talk with Boy Abunda."


Nausisa ni Tito Boy sa kanilang interview kung nanligaw ba si Bobot kay Nora Aunor na naging kapareha rin nito sa kanilang love triangle ni Tirso Cruz III at sinundan ito ng mga tanong kung paano naman nabuo ang love team nila ni Vilma Santos.


Sey ni Bobot, hindi raw niya pinormahan si Nora at nabuo sila ni Vilma matapos matibag ang love triangle na kinabibilangan niya n'un.


Nakita raw niya si Vilma for the first time at alam agad niyang 'yun ang gusto niyang makapareha kaya agad niyang inilakad ito sa kakilalang direktor at hindi naman nagkamali si Bobot dahil talagang minahal at inabangan ng madla ang kanilang love team nu'ng araw.


Marami nga ang naka-miss sa singer-actor na nagbabalik-showbiz kasabay ang paglabas ng kanyang album na ‘Goin' Standard.'


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page