Boat Buying at Winner Parade, nakahanda
- BULGAR
- Jun 3, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 3, 2023
Pokus sa paghahanda ang mga connections ng magkakamping sina Boat Buying at Winner Parade para salihan ang 2023 PHILRACOM Hopeful Stakes Race na aarangkada sa Hunyo 10 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Paniguradong mapapalaban sina Boat Buying at Winner Parade laban sa siyam na nagsaad ng paglahok sa distansiyang 1,800 meter race.
Makakatagisan ng bilis nina Boat Buying at Winner Parade sina Badboy MJ, Borrowed Heaven, Chrome Bell, Domsat Seven, Easy Does It, Glamour Girle, Grand Monarch, Rough Cut at Sandigan.
Rerendahan nina class A riders Kelvin Abobo at John Alvin Guce si Boat Buying at Winner Parade ayon sa pagkakasunod.
Nakalaan ang P1.5-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Komento ng mga karerista sa social media na posibleng maging hadlang kina Boat Buying at Winner Parade ay ang kalahok na sina Chrome Bell at Glamour Girle.
Hahamigin ng mananalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa second placer ang P300,000 habang P150,000 sa third.
Mag-uuwi naman ang fourth hanggang sixth ng tig-P75,000, P45,000 at P30,000 ayon sa pagkakahilera.
Hahablutin naman ng breeder ng winning horse ang P75,000 habang tig-P45,000 at P30,000 ang second at third.





Comments