top of page

Blockbuster star ng Viva… ANGELI KHANG, WISH NA MAKA-GRADUATE NA SA PAGHUHUBAD

  • BULGAR
  • Jun 17, 2022
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 16, 2022


Halos lahat ng pelikula ni Angeli Khang sa Vivamax ay may tema ng paghuhubad at love scenes at hindi naman daw siya nanawa rito dahil ini-enjoy na lang niya habang nagtatrabaho siya.


Say ni Angeli ay trabaho lang naman lahat ang ginagawa niya at malaki ang pagkakaiba ng tunay niyang pagkatao sa likod ng kamera.


Inamin naman ng Viva executive na si Angeli ang pinakamalakas among the Vivamax sexy stars dahil sa lahat ng mall shows nila sa probinsiya para sa promo ng mga pelikula ng Viva Films ay ang sexy star ang hinahanap.


Sa madaling salita ay mga pelikula ni Angeli Khang ang may malaking kinikita sa Vivamax kaya naman pala maraming projects ang dalaga. Sabi nga, strike while the iron is hot.


“Yes, I was told na hinahanap ako sa caravan, pero nakaka-pressure rin. Kasi nahihiya ako, I don’t really know kung paano ako kikilos sa harap nila? Kakaway ba ako or what? Mahiyain kasi talaga ako,” saad ng dalaga.


Dagdag pa, “Sa premiere night lang, nahihiya ako na tinatawag nila ako, tapos ang daming nagpapa-picture. But I’m so delighted sa warm reception nila. Sobrang nakakatuwa, pero hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin kapag sinasabing sikat na ako.”


Ipapalabas na ang latest film ni Angeli na Virgin Forest kasama sina Markki Stroem, Vince Rillon at Sid Lucero mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza na mapapanood sa Vivamax.


Ang kuwento ng pelikula, “Victim ako ng human trafficking at ginawang prostitute against my will. My most memorable scene is the one with Markki Stroem na kinakawawa ako. Ni-rape kasi niya ako.”


Bakit laging victim ng karahasan si Angeli?


“Yes, 'yun lagi ang role ko, eh, kinakawawa. Sa Silip sa Apoy, si Sid Lucero ang nambugbog sa akin. Sa Pusoy, si Baron Geisler.


“Ngayon naman, si Markki. Bago namin ginawa ang eksena, bonding-bonding muna kami, para mas makilala namin ang isa’t isa. In fairness, naitawid naman namin 'yung rape scene.”


Sa tanong kung hindi napapagod si Angeli sa mga paulit-ulit niyang ginagawa sa pelikula, “Well, I hope and pray na after 10 movies, sana, matigil na ang sexy films for me. But I think Virgin Forest is one of the best movies I made kasi malalim ang movie about illegal logging, environmental protection and the exploitation of women at maganda ang direction ni Direk Brillante,” say ng Vivamax hottest star.



留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page