top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

‘Blessing’ daw ang Omicron variant, ngek!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 09, 2022



MAS PALPAK SI OCTA RESEARCHER AUSTRIACO KAYSA KAY HEALTH SEC. DUQUE–Last year ay pabirong inalok ni P-Duterte si Biologist, Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA Research Group na maging health secretary bilang kapalit ni Health Sec. Francisco Duque, pero kahit biro lang ng pangulo ang alok ay agad niya itong tinanggihan.


Mabuti na lang, ‘joke’ lang ang alok ni P-Duterte at tinanggihan din ito ni Austriaco kasi kung nagkataong seryoso ito, baka mas palpak pa siya kaysa kay Health Sec. Duque.


Eh, mantakin n’yo, sabihin ba naman niyang blessing daw sa mamamayan ang Omicron variant?! Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


SUMOBRA YATA ANG TALINO NI AUSTRIACO KASI PATI VIRUS, ITINUTURING NIYANG ‘BLESSING’--Kaya nasabi ni Austriaco na blessing ang Omicron variant ay dahil ang sinuman tamaan nito ay magkakaroon na ng antibodies na proteksiyon laban sa iba pang variant na tulad ng Delta, Gamma, Beta, Alpha at D614G.


Dapat tigil-tigilan na ni Austriaco ang pagre-research tungkol sa COVID-19 kasi sumusobra na ang talino niya’t pati virus ay itinuring na niyang antibodies, period!


◘◘◘


DISMAYADO ANG MGA FRONTLINERS SA GOBYERNO–Nag-post sa social media si frontliner, Dr. Geneve Reyes nang pagkadismaya sa natanggap niyang special risk allowance (SRA) na P2,045 sa loob ng anim na buwan.


Madidismaya talaga si Dr. Reyes kasi sarili nilang buhay ang kanilang itinataya sa laban kontra COVID-19, binabansagan pa silang bayani ng bagong henerasyon, tapos ang ibibigay lang ng gobyerno sa kanila sa loob ng anim na buwan ay mahigit P2-K lang, buwisit!


◘◘◘


KAPAG PARA SA MGA FRONTLINERS, LIMOS; KAPAG PARA SA MGA TAGA-PHARMALLY, PANG-SPORTS CARS–May dahilan ang mga health workers na madismaya sa kakarampot na SRA ng national gov’t. kasi iba pala ang tingin ng Pamahalaan sa mga “bagong bayani” at sa mga taga-Pharmally Pharmaceutical Corp..


Ang ibinigay kasing SRA sa mga frontliners ay parang limos lang, samantalang ang ibinigay naman ng Duterte gov’t. sa mga taga-Pharmally ay pera ng bayan na pambili nila ng mga sports cars, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page