top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Blazers, NCAA Volley Champ; Go, MVP, Santos, Top Rookie

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 23, 2022




Nagbalik na ang korona sa Taft. Naagawan ng trono ng College of Saint Benilde ang Arellano University upang mag-reyna sa NCAA Season 97 women’s volleyball tournament matapos ang dominanteng 26-24, 25-12, 25-9 na laro sa Game 2 ng Finals best-of-three kahapon.


Ang naturang panalo ang second overall title ng CSB sa liga kung saan huling nakuha ang korona noong Season 91. Pareho sa Game 1, agad na rumatsada ang Lady Blazers at pinakitaan agad ng pananalasa ang Lady Chiefs na unang lumamang sa 21-20.


Nagawang uminit ni Gayle Pascual sa 4-1 para maitakda ang set point pero naipatas pa ng Arellano sa 24. Isang error ng Arellano ang nagbigay sa CSB ng extended set, 26- 24.


Pinaigting pa ng CSB ang depensa sa Set 2, nilimitahan ang Arellano sa 9 attacks habang kumulekta ng 15 mula sa tikas ni middle blocker Cristy Ondangan.


Dalawang blocks at 2 aces pa ang itinarak ng Lady Blazers para tapusin ang panalo sa second set. Uminit ang mga kamay ni Pascual at nagpasabog ng 12-2 iskor habang pinahihirapan ang Arellano. Sa naturang pagkatalo, nabigo ang Arellano na mapanatili ang korona na unang inangkin noong Season 92 to 94.


Samantala, itinanghal na MVP si Mycah Go ng College of Saint Benilde habang si San Sebastian College-Recoletos' Kat Santos ang Rookie of Year awardee para sa Lady Stags.


Finals MVP naman si Pascual. Best setter si Venice Puzon ng Lyceum of the Philippines University at si JRU skipper Dolly Verzosa ang 1st at 2nd Best Outside Spiker,


Sina teammate Zonxi Dahab at Mapua star rookie Nicole Ong ang 1st at 2nd Best Middle Blocker awardee habang sina Reyann Cañete ng San Sebastian ang Best Opposite Hitter. Si Aguinaldo College's Alex Salvaloza ang Best Libero.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page