top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Blazers lang ang sakalam; unang pumasok sa Final 4

BULGAR
Jul 4, 2022
2 min read

ni GA - @Sports | July 4, 2022



Patuloy na nanatiling walang bahid ng pagkabigo ang College of St. Benilde Lady Blazers ng dominahin ang Jose Rizal University Lady Bombers para sa ika-anim na sweep sa 25-13, 25-21, 25-9 para mailista ang Final 4 ticket, habang naitakas ng Mapua University Lady Cardinals ang dikdikang panalo laban sa Lyceum of the Philippines University Lady Pirates sa 5-setter victory sa 25-22, 16-25, 18-25, 25-18, 15-12, kahapon sa mga nalalabing bakbakan sa elimination rounds ng 97th NCAA women’s volleyball tournament sa Paco Arena.


Muling humataw para sa Lady Blazers si Jade Gentapa na kumana ng game high 16 puntos mula sa 14 atake at dalawang service aces para masiguro ng Taft-based volleybelles ang play-off spot sa pamamagitan ng 7-0 kartada. Sumegunda sa puntusan si Michelle Gamit sa 12pts, habang may tig-7 puntos sina Jhasmin Gayle Pascual, Francis Mycah Go at Cristy Ondangan.


Mayroon na lang nalalabing dalawang laro ang CSB Lady Blazers kontra sa Perpetual Help Lady Altas sa Miyerkules at sa defending champion Arellano Lady Chiefs. Sakaling mawalis ng CSB ang nalalabing mga laro ay maaari nitong makuha ang outright Finals berth, at magkaroon ng knockout stepladder semis, habang lumista lamang tig-7 puntos sina Renesa Melgar at Dolly Grace Verzosa at tig-5pts sina Jonazel Lyka Egera at Sydney Mae Negros, na bumagsak ang kartada sa 3-4 marka sa solo 6th place, na sunod na makakatapat ang naghahabol na San Beda University Lady Red Spikers sa Biyernes, habang huling beses makakalaban ang naghahanap rin ng playoffs berth na Lyceum University Lady Pirates sa huling araw ng laro sa Hulyo 12.


Nasayang ang game-high 22pts ni Zonxi Dahab at suporta nina Johna Dolorito sa 17pts, Jewel Maligmat sa 13pts at Rhianbelle Perez sa 10pts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page