top of page

Bisperas ng eleksyon, labasan na ng bilyones, Comelec ano na?!

  • BULGAR
  • May 8, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 8, 2022


KUNG may dark horse sa presidential race, mayroon din sa senatorial bets.


Siya si Heneral Guillermo Eleazar.


◘◘◘


TANGING si Eleazar lamang ang inendorso ng Iglesia ni Cristo na hindi kasama sa popular na Magic 12 sa serye ng mga established opinion survey.


Malaking tulong kay Eleazar ang endorsement ng INC dahil nakasingit siya sa mga bigating “pangalan” sa Magic 12 at makakahulgpos siya mula sa kumpulan ng mga nasa likuran.


◘◘◘


MASASABI nating napakaganda ng pili ng INC dahil naisama si Eleazar gayong kakaunti lang ang kanyang media ads kumpara sa iba pang pinili ng INC.


Maaaring bunga ito ng outstanding performance ni Eleazar nang siya pa ang director ng QCPD, Calabarzon, at NCRPO at nang lumaon ay naging PNP chief.


◘◘◘


HALOS tapos na ang kampanya sa election 2022.


Dapat nang mamahinga muna at magrekober ng enerhiya ang mga kandidato.


◘◘◘


PERO, alam ba n'yo na ang bisperas ng eleksyon ang pinakamahalagang petsa ng kampanya?

Sa araw na ito, puwedeng mabago kung ano ang resulta ng mga survey, bakit?


Kasi’y sa bisperas ng eleksyon, pinakakawalan o inilalabas ang bilyun-bilyong salapi ng mga kandidato.


◘◘◘


ANG listahan ay matagal nang nakahanda, kung saan ang mga block leader ay kokobrahin ang mga sobre at aktuwal na iaabot sa mga botante.

Hindi isolated ang ganyang vote buying — lantaran 'yan at malawakan.


Nagaganap ito sa buong Pilipinas, traditionally.


◘◘◘


OPO, tradisyonal na ang vote buying tulad ng sabong, jueteng at sakla.

Aminado ang Comelec na hindi nila kayang pigilin 'yan — sapagkat ang bawat kampo ay gumagawa ng kani-kanyang “vote buying scheme”.

Kumbaga, pataasan ng presyo.


◘◘◘


NAKAKATAWA kapag itinanggi ng Comelec na walang ganyang sitwasyon.


Lalabas na ang Comelec ay taga-ibang planeta tuwing eleksyon.


◘◘◘


MULA nang talunin ni Manuel L. Quezon sina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay sa unang pormal na halalan, mayroon nang vote buying.

Naging grabe ito nang todo sa mga kasunod na eleksyon.

Itinuro kasi 'yan mismo ng mga Kano upang magwagi ang kanilang manok.


Kung sino ang may “budget” — siya ang magwawagi.


◘◘◘


ANG resulta ng eleksyon sa Pilipinas ay hindi kailanman panukat kung sino ang pinakamahusay at pinakakuwalipikado.


Ang resulta ng eleksyon ay sukatan ng kung sino ang may pinakamalaking resources, makinarya at diskarte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page