Birthday ng Superstar… MAY 21, IDINEKLARANG NORA AUNOR DAY SA IRIGA
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | May 23, 2026

Photo: IG _beauty_gonzalez
Samantala, idineklara ng pamahalaan ng Iriga City, ang bayan ni Guy, ang Mayo 21 bilang Nora Aunor Day o opisyal na pagdiriwang para sa pambansang alagad ng sining.
Tampok din noong Mayo 21, 2026 ang isang motorcade at ang ‘Superstar Variety’ Show. Naroon ang anak ni Guy na si Ian de Leon at kanyang pamilya upang makisama sa selebrasyon ng nasabing pagdiriwang.
Dumalo rin sa pagdiriwang sa Iriga ang mga Noranians sa pangunguna nina Jen Donna Pergis Morera at Marie Cusi kasama ang mga KaNORAS na galing pa sa iba’t ibang lugar na nasa Libingan ng mga Bayani (LNMB) naman.
Samantala, magkakasamang dumalaw at nag-alay ng dasal at bulaklak sa LNMB ang mga anak ni Bok na sina Lotlot de Leon, Matet de Leon, Kenneth, at Kiko de Leon.
Anyway, happy birthday in heaven, my dear friend, Nora Aunor.
Kumare, labs na labs…
GARDO, GUSTONG KATABI SI NORA ‘PAG INILIBING
“Padaba taka (Mahal kita sa salitang Bikol),” ang mensahe ng aktor na si Gardo Versoza sa kanyang social media post para sa kaarawan ng kanyang kumare na National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor (RIP).
Saad ni Gardo, “Maligayang kaarawan, Mare. Salamat at saludo ako sa ‘yo, isang SUPERSTAR na walang kayabang-yabang, walang arte, walang hilig sa materyal na bagay, ‘di sabik sa atensyon, pero punong-puno ng pagmamahal sa tao.
“Alam mo minsan, ‘pag dinadalaw kita, sinasabi ko, ‘Sana hanggang sa huling hantungan, magkatabi tayo.’ Kaso bigla kong naalala, National Artist ka, eh, ‘National Cupcake’ ako.
‘Ako malamang, sa bakery ako ilagay, Hehehe! Mga fans mo, nakakatuwa, ibang klase silang magmahal.
“Shoutout sa mga fans ni Mare sa buong mundo. O s’ya, Mare, ang dami ko pa sanang kuwento sa ‘yo, eh, kaso baka isipin nila, panawagan na ‘to. Hahahaha!
“Miss kita, Mare. Kaeksena, kakuwentuhan. Mukhang naririnig mo ako, ah, pag-type ko, lumalabas ‘La a,’ mukhang La Aunor.
“Sayang, ‘noh, wala man lang tayong TikTok. Kahit isa at sana pala, ini-record ko ‘yung duet natin sa attic, I Left My Heart in San Francisco. Naisip nga kita nu’ng nandu’n kami ng inaanak mo. Sana nakagawa tayo ng movie ru’n, gusto mo, comedy naman, ‘di ba? O nakagawa tayo ng mini shows kasi alam ko na ‘yan talaga ang first love mo, ang pagkanta, tapos sasayaw ako nang naka-short shorts. Alam ko, gusto mo ‘yun, eh.
“Kaya totoo talaga ‘yung ‘Life is short,’ kaya ‘pag may gustong gawin o sabihin, ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa dahil sa sweet memories. Salamat uli, Mare.
“Sabi nila, ‘pag namatay ka raw, wala ka nang madadalang kahit na anong yaman.
“Eh, wala naman talaga ako madadala kahit gustuhin ko man. Pero bigla kong naalala, ang nakilala at nakaniig ang isang SUPERSTAR ay isang kayamanang maituturing ko na walang presyong katumbas at masasabi kong dadalhin ko hanggang sa muli nating pagkikita. Padaba taka (Mahal kita).”
Well, sure si yours truly na nagugustuhan ni Bok (Nora) ang mensahe ng ating National Cupcake na si Gardo Versoza.
After mabigo kay Maris…
RICO, GAME SA BAGONG DYOWA
“RIGHT now, I’m single but I’m open to not being single,” ang pahayag ng singer na si Rico Blanco sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda kay Rico ay napag-usapan ang tungkol sa love life nito.
Tanong ng mahusay na TV host na si Boy, “What did you use to think about love?”
Pabirong sey ni Rico, “‘Di ako nag-review, Tito Boy.”
Dagdag pang sey ni Rico, “I thought before that if you found someone who you really love and they really loved you too, it was enough.”
Tanong ni Boy, “What you found out, ‘di pala?”
Sey ni Rico, “There’s other stuff like where you are in life, where the other person is in their life, at ‘yung timings n’yo, ‘yung timetables n’yo, edad mo, ‘yung edad ng ibang tao, parang medyo siguro naive ako dati, o ‘di ko alam, ganu’n ba dapat?
“That’s what I’m trying to find out. Baka napunta rin ako sa masyadong opposite, at ‘di lang ‘yun lahat. That I need to relax that observation also.”
Hirit na tanong ni Boy, “Pagiging single, is it something that you think about?”
Sey ni Rico, “There was a time where I resigned, na parang I knew that being single was the best setup for me.
“But that was a long time ago, and then I had a relationship after that. Right now, I’m single but I’m open to not being single.”
Ganern? Sino naman kaya ang susunod na magiging dyowa ni Rico Blanco matapos ang hiwalayan nila ni Maris Racal?





Comments