top of page
SPECIAL - “VICE, QUEEN OF ALL NETWORKS” - MVP-IG _praybeytbenjamin.jpg

Birthday ng hepe, mga pulis nagbarilan, 2 todas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

ni Janice Baricuatro @News | August 13, 2026



Mga pulis nagbarilan sa Maragondon - PNP Cavite Police Provincial Office

Photo: Circulated



Dalawa ang patay, kabilang ang isang pulis, habang sugatan ang isa pang alagad ng batas habang ang naarestong isang suspek ay isa rin nilang kabaro, sa barilang naganap sa parking area ng isang resort sa Brgy. San Miguel A, Maragondon, Cavite, kahapon ng madaling-araw.


Kinilala ang mga nasawi na sina PMSg. Junmark Sisante, pulis ng Magallanes MPS, at Arjay Mojica, umano’y civilian security ng isang mayor. Sugatan naman si PCpl. Louie Vidon Climacosa, pulis ng Ternate MPS, pawang mga residente ng Magallanes.

Arestado naman si PCpl. Rolando Periodico Jr., 35, pulis na nakatalaga sa Trece Martires City Police Station.


Ayon sa Maragondon MPS, ala-1:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente matapos umanong magtalo ang mga sangkot na nasa impluwensiya ng alak habang nasa parking area ng Marie's Resort


Nakumpiska sa suspek ang kanyang Glock 17 9mm service firearm, habang isang Pietro Beretta 9mm pistol naman ang nakuha mula sa isa sa mga biktima.


Napag-alaman na galing sa birthday party ng chief of police ng Maragondon ang mga sangkot sa insidente.


Hindi pa matukoy kung magkakasama ang mga ito at kung sino ang nakabaril sa mga nasugatan dahil nagkabarilan na.


Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang ni-relieve na sa puwesto ang hepe ng Maragondon Police.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page