top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Binigyan ng puwesto sa PCSO ni PBBM… "PAYBACK TIME" — IMELDA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 11, 2024
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 11, 2024



Showbiz News

Nakausap namin ang Jukebox Queen at bagong PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) Director na si Imelda Papin sa grand opening ng bagong VS Cinema sa loob ng VS Hotel malapit sa EDSA near GMA-Kamuning MRT Station noong nakaraang Linggo. 


Si Imelda ang nag-cut ng ribbon sa pagbubukas ng VS Cinema sa publiko. 

Ang VS Cinema ay pag-aari ng VS Hotel Corporation kung saan isa sa mga owners ang direktor at businessman na si Gabby Ramos, sa pakikipagtulungan sa Rems Entertainment. 


Si Direk Gabby ang nagdirek ng biopic ni Imelda na Loyalista.

Sa pelikulang Loyalista ay ipinakita ang pagiging tapat ni Imelda sa mga magulang ni Presidente Bongbong Marcos na sina dating Pangulong Ferdinand Marcos at First Lady Imelda Marcos. At ngayon, isa na rin siya sa mga directors ng PCSO.


Pinasalamatan ni Imelda ang Diyos at si Pangulong Bongbong na binigyan siya ng tiwala bilang direktor ng PCSO nang kumustahin namin siya sa bago niyang tungkulin.

“Payback time,” masayang sabi sa amin ni Imelda sa loob ng bonggang VS Cinema na pawang mamahaling Lazy Boy ang mga upuan.


Dagdag pa niya, “Gusto ko talagang tumulong sa ating mga kababayan. Dati kasi, vice-governor lang ako ng Camarines Sur, du’n lang ako tumutulong. Bagama't marami rin akong natutulungan mula sa ibang mga probinsiya at dito sa Manila. Pero ngayon, mas buong Pilipinas na ang aking matutulungan. Mas marami na po.”


Tinanong namin ang reaksiyon ni Imelda sa mga nagsasabi na paraan din ng mga Marcoses ang pag-appoint sa kanya bilang kanilang 'pasasalamat'.


“Uhm, siguro, kinonsidera rin ng ating Presidente ang pagiging loyal ng isang Imelda Papin sa Marcos family. Pero more on achievements ko rin siguro bilang public servant. Kasi naglingkod din ako nang siyam na taon sa aking probinsiya,” diin ni Imelda.


Speaking of her pelikula, mauudlot daw muli ang pagpapalabas ng Loyalista sa mga sinehan. Marami pa raw kasi ang nagre-request ng special screening sa iba't ibang grupo at lugar.


Tungkol naman sa kanyang political career, mukhang mauudlot din ito dahil nga sa pagkaka-appoint sa kanya sa PCSO. Kasama ni Imelda sa grand opening ng VS Cinema ang kanyang unica hija na si Mafi Papin. Masayang ibinalita ni Mafi na balak niyang maging aktibong muli sa showbiz.


“Yes po,” ngiti niya. 


“After ko po maka-graduate sa Law school, kasi graduating na po ako, saka ko po itutuloy ang pagkuha ng bar at maging attorney, finally. Excited na rin po ako na mag-full-time sa showbiz,” pahayag ni Mafi Papin.



HINDI lang basta negosyo ang dahilan ng pagbubukas ng mahusay na direktor na si Gabby Ramos ng VS Cinema sa VS Hotel sa EDSA. Kasama rin dito ang adbokasiya ni Direk Gabby para sa movie industry. Nais ni Direk Gabby na makatulong sa mga kapwa niya direktor at producers na nahihirapang maipalabas ang kanilang mga pelikula sa mga malalaking sinehan sa mall.


Pahayag ni Direk Gabby, “Kung meron po lang silang avenue na maipapalabas, makakabawi agad sila. At itong mga filmmakers na ‘to, kagaya ko, ay makakagawa ulit ng bago. Ang sarap ng pakiramdam, ‘di ba, na pagkatapos mong gumawa ng pelikula, mapapanood mo, at mapapanood ng pamilya mo. ‘Yun ang unang dahilan kung bakit kami nagdesisyon na buksan ang sinehang ito.”


Ang VS Cinema ay inilunsad ng VS Hotel Corporation sa isang star-studded red-carpet event sa Victoria Sports Tower noong Setyembre 8, 2024. 


Sa grand launch, ipinagmalaki ni Direk Gabby ang bagong sinehan. Hindi ordinaryong sinehan ang VS Cinema, ito ay isang state-of-the-art facility na may advanced sound technology at mga luxurious recliner chairs na nagbibigay ng napakakomportable at immersive na karanasan sa manonood. 


Meron itong 55 luxurious Lazy Boy seats na idinisenyo para sa maximum na ginhawa at immersive viewing experience.


Hindi malayong maging susunod na sentro ng mga showbiz na kaganapan sa Quezon City ang VS Cinema, na tinaguriang “Entertainment Capital of the Philippines.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page