BINI, pinuri… KAREN, DUROG SA SB19 FANS, TODO-BAWI
- BULGAR
- Jul 27, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 27, 2024

Kinlaro ni Karen Davila ang nauna niyang pahayag ukol sa BINI na magbubukas ng pintuan para sa P-Pop sa international music scene sa kanyang latest post sa social media accounts.
Umani ng batikos si Karen mula sa mga netizens, especially sa mga fans ng SB19, dahil sa kanyang sinabi.
Narito ang naunang pahayag ni Karen sa TV Patrol, “Tsaka ang K-Pop, sikat sa buong mundo. Maganda ‘yung BINI (na), sila ‘yung magbubukas ng pintuan para sa P-Pop. ‘Pag sumikat sila, sisikat din ‘yung ibang Pilipino.”
Inalmahan ng SB19 fans ang statement na ‘to ni Karen.
Anila, “SB19 first opened the doors for PPOP internationally and made history! BINI is carving their own – being the first all girl group to hit it big.”
Kahapon ay nag-post si Karen sa X at nagpaliwanag kung ano ang dapat niyang tumbukin sa kanyang pahayag.
Post ni Karen, "I should’ve been more specific. SB19 & BINI, you make us all proud! And may you both open more doors for aspiring local artists.
“Both are Proudly Filipino.”
Sa kabila nito, ang dami pa ring reaksiyon ng mga netizens.
“It's okay Ma'm, walang mali sa sinabi mo. Toxic lang masyado 'tong mga fans ng SB19. Ayan na, ha, manahimik na kayo. Kaaarte n'yo.”
“It is not ‘kaartehan’ to expound her previous statement and make things clear. Ayan na, ha, manahimik ka na rin.”
“Educate yourself, himayin mo kung may mali ba o tama sa sinabi niya, kahit naman siguro ikaw, kung i-discredit lahat ng pinagpaguran mo ay sasama ang loob mo.”
“It’s not a kaartehan kapag dini-discredit na ang SB19 ng mga toxic fans!”
“Anong hindi mali??? Mali talaga pagkakasabi. SB19 opened the door for the PPOP to be known internationally. Few years ago na. Pagkakabukas pa lang through BINI. Hindi 'yun pagiging maarte”
“Oh? So, bakit n'ya cinlarify 'yung statement niya kung walang mali?”
“Give credit to where it’s due.”
So, there!





Comments