top of page
Lakam Chiu arrested - Circulated ABS-CBN.jpg

BINI member, game na game naman daw… IÑIGO, IBINULGAR ANG GINAWA NILA NI MIKHA SA AUSTRALIA

Writer: BULGAR
BULGAR
13 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 24, 2026



TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Bagong anthem ng pagmamahal na handang maghintay sa tamang pagkakataon ang Pagdating ng Panahon, na regalong handog ni Iñigo Pascual sa kanyang mga fans sa pagdiriwang ng ika-29 kaarawan niya.


May music video rin ang kanta na napapanood sa ABS-CBN Star Music YouTube (YT) channel, tampok ang BINI member na si Mikha Lim bilang matalik na kaibigan at babaeng napupusuan ni Iñigo.


Idinirek ni Richard Goot at ng ama ni Iñigo na si Piolo Pascual ang music video na kinunan sa Pilipinas at sa Australia.


“It was my dad’s idea when we were on a tour in Australia. My dad was doing everything—he was finding locations where we were going to shoot,” kuwento ng singer. 


Aniya pa, “It was the first time my dad has ever done something like that.”

Ibinahagi rin niya na personal niyang pinili si BINI Mikha na maging leading lady at nagpapasalamat siya na pinaunlakan siya nito sa kabila ng busy schedule ng P-Pop girl group na BINI.


Aniya, “She was our first choice when my dad decided to film the stuff in Australia. We have the same group of friends. I’m glad she was nice enough and willing to do it.”


Ang Pagdating ng Panahon ay tungkol sa paghihintay sa tamang panahon at pag-asa na darating ang pagkakataon na makikita ng minamahal na nariyan lang pala ang karapat-dapat sa kanya. 


Si Iñigo rin ang sumulat ng kanta tulad ng naunang inilabas na comeback single niyang Ikaw at Ikaw, na ayon sa kanya ay may kuwentong magkaugnay.


“It was like a continuation of my thoughts from Ikaw at Ikaw,” paliwanag niya.

Magiging bahagi ng nalalapit na album ni Iñigo ang mga awiting Pagdating ng Panahon at Ikaw at Ikaw.


Napapakinggan na ang Pagdating ng Panahon sa iba’t ibang music streaming platforms.


‘Yun lang, and I thank you.





Dating manager ng aktres, nakinabang din naman daw…

OGIE, ‘DI NA UMAASANG TATANAW NG UTANG NA LOOB SA KANYA SI LIZA



Hindi naniniwala ang talent manager-aktor na si Ogie Diaz na may habambuhay na utang na loob na kailangang bayaran sa kanya si Liza Soberano dahil sa panahong siya ang tumulong sa paghubog ng career ng aktres.


Napag-usapan sa YouTube (YT) channel ni Ogie ang naging pahayag ni Liza sa BuzzFeed Australia tungkol sa ‘utang na loob’, na muling naging usapin sa social media matapos iugnay ng ilang netizens ang sinabi ng aktres sa naging relasyon niya sa dating manager.

Nilinaw naman ni Ogie na wala siyang hinihinging ganu’ng klaseng pagkilala mula kay Liza.


“Kung utang na loob, sabihin na nating ganito, walang dapat tanawin na utang na loob sa akin si Liza,” saad ni Ogie.


Sa halip, isang bagay ang personal na kinikilala ni Ogie sa panahon ng kanilang naging professional relationship.


Nang ipanganak ang anak niyang si Meerah Khel noong 2017, malaking tulong umano ang kinita niyang commission bilang manager ni Liza para sa gastusin sa ospital.


“Napakalaki ng tulong ng mga commission ko nu’ng mina-manage ko pa si Liza para mabayaran ‘yung hospital bills ni Meerah. In-acknowledge ko ‘yan at sinabi ko ‘yan kay Liza,” kuwento niya.


Para kay Ogie, hindi naman kailangang humantong sa samaan ng loob ang lahat ng pinagdaanan nila bilang manager at talent.


“Ang importante ay ‘di po kami magkaaway,” ani Ogie.

Well, big tumpak ka r’yan, my dearest Panyerong Ogie. 

At least, intact pa rin ang friendship nila ni Liza. ‘Di ba, madlang pipol?





Nag-aaral ng Law, hirap daw… 

YASMIEN, AMINADONG NAPAPAHIYA ‘PAG NABOBOKYA SA RECITATION



“LAW school became part of my healing process,” pahayag ng aktres na si Yasmien Kurdi sa kanyang social media post.


Nagbahagi si Yasmien ng kanyang saloobin tungkol sa naging karanasan niya sa pag-aaral ng Law at kung paano ito nakatulong sa kanyang paghilom.


Ani Yasmien, “Uy, guys! Don’t get me wrong. ‘Di madali ang Law school. Mahirap siya, promise! Wala akong sinabi na madali.


“Napapahiya ka minsan sa classroom with all the recits (recitations), lalo na ‘pag tinawag ka, tapos wala kang maisagot.


“Pero for me, naging magandang distraction s’ya. Naging busy ‘yung mind ko. Instead of dwelling on the things that hurt me, kailangan kong mag-focus sa readings, mag-aral ng cases, at maghanda kasi baka ikaw ang matawag sa class at wala kang maisagot.


“Kaya somehow, law school became part of my healing process. ‘Di dahil madali s’ya, kundi dahil binigyan n’ya ako ng ibang bagay na paglalaanan ng isip at energy.

“Ganito lang siguro ako nag-heal—busy, nag-aaral, natututo, at unti-unting bumabangon.”


In fairness kay Yasmien, beauty and brains talaga. 

Study hard, Yasmien. Actress na, future attorney pa. 

Bongga ka, ‘day!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page