BINI, may Grand BINIverse concert sa Oktubre

ni Eli San Miguel @Entertainment News | July 2, 2024

Nag-anunsiyo muli ng magandang balita ang Nation’s Girl Group na BINI. Sa isang Facebook reel, inihayag ng grupo na magdaraos sila ng ‘The Grand BINIverse’ concert sa Oktubre 4 sa Araneta Coliseum.
Sa ngayon, wala pang balita tungkol sa bentahan ng ticket at iba pang impormasyon sa concert. Katatapos lamang ng BINI sa pagdaraos ng tatlong sold-out shows at unang mga solo concerts sa Big Dome mula Hunyo 28 hanggang 30.

Patuloy na nagiging matunog ang pangalan ng grupo dahil sa kanilang musika, kabilang ang mga pinakasikat nilang kanta na ‘Pantropiko,’ ‘Salamin, Salamin,’ ‘Na Na Na,’ ‘Lagi,’ ‘Karera,’ at ‘Huwag Muna Tayong Umuwi.’
Pinakahihintay naman ng mga fans ngayon ang kanilang bagong single na "Cherry on Top" na ilalabas sa Hulyo 11.





Comments