Binayaran daw ng mag-asawang Discaya para sa interview… KORINA: POST NI MAYOR VICO, MALICIOUS AT LIBELOUS
- BULGAR
- Aug 23
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 23, 2025

Photo: Korina Interviews / Circulated
Matindi rin ang public opinion hinggil sa naging reaksiyon ni Ateng Korina Sanchez at programa niyang Korina Interviews (KI) sa viral post ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Kaugnay nga ito sa tila pasaring ng magaling na mayor sa diumano’y ‘paid interviews’ (kasama rin kasi ang programa naman ni Julius Babao na Unplugged) sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Mga prominenteng pangalan ang mag-asawa hindi lang dahil nakalaban ni Mayor Vico sa Pasig last elections si Sarah, kundi dahil sa koneksiyon ng mga ito sa construction business at mga kontrata sa gobyerno na ngayo’y mainit na usapin sa buong bansa.
Anyway, kahit wala namang pinangalanan si Mayor Vico, pero ‘yung sa mga posts na ginamit ay nandu’n sina Julius at Korina sa magkahiwalay nilang mga programa at petsa ng interview.
Ang latest na nasagap namin ay baka raw mauwi sa legal na usapin ang naturang post ni Mayor Vico dahil para kay Ateng Korina at nagpapatakbo ng kanyang programa, ‘malicious at libelous’ ang nilalaman ng post ng Pasig mayor.
Aabangan natin ‘yan!
Binago na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang layout ng kanilang promo material ng Ikaw ay Akin (IAA), ang 1978 classic film na ipapalabas sa opening ceremony ng Filipino Film Industry Month ng FDCP na may temang Pelikula at Pilipina.
Sa malakas na panawagan ng mga kapwa-Vilmanians, kinuyog talaga namin ang opisina ni FDCP Chair at CEO Joey Reyes sa maling pagtrato nila kay Star for All Seasons Vilma Santos sa usaping billing at pagbibigay-importansiya sa body of work at legacy ni Ate Vi sa showbiz.
Although magkakapareho na ng font at sukat ang mga names nina Ate Vi at Nora Aunor at mas inuna na ang name ni Ate Vi sa leading man nilang si Christopher de Leon, may prominence pa rin si Nora. Mayroon siyang mas malaking picture at sa itaas pa rin ito inilagay habang nasa ibaba si Ate Vi. Plus, naka-highlight ang National Artist title nito.
No question sa ginawa nila sa direktor ng movie na si Ishmael Bernal dahil nararapat sa kanya ang ganu’ng paggalang.
Again, inirerespeto namin ‘yun. Pero kung nag-iimbita ang FDCP ng mga Vilmanians na sobrang active pa rin sa mga panahong ito at proven na ang support sa bawat event na may VILMA (sad to say, hindi namin ito masasabi sa mga Nora movies na may record ngang first screening last day sa mga sinehan since the ‘90s until nitong mga huling years niya sa mundo), puwes nagkakamali ang grupo ni Direk Joey Reyes. Hindi kami magpapagamit para sa success ng inyong event dahil sa obvious namang gusto lang ninyo ng clout o ingay at the expense of Ate Vi.
At sa very lame ergo stupid excuse na nakuha namin na diumano’y hindi nakarating at inaprubahan ng office ni Direk Joey ang naturang pagkakamali sa poster material, sey ng mga Vilmates, “Tell that to the marines. Utuin ninyo ang maloloko ninyo. Imbes na mag-apologize kayo at ibigay ang due respect at tamang importansiya, kayo ang nagpapasimula ng gulo.”
Sa mga panahong ito, need talaga na may nagsasalita at nagpapakita ng puwersa sa mga gawaing inaakala ng maraming nasa posisyon na kaya nilang mang-uto.
Sey nga ng mga colloquial na Gen Z, “Don’t us. ‘Wag kami, uy!!!”
HALA, marami naman ang nagsasapantaha na si Heaven Peralejo nga marahil ang tinutukoy na ‘she’ ni Diego Loyzaga sa reply post nito kay Marco Gallo.
Sa makahulugang post ni Marco, may sinabi itong, “Strength isn’t about the goal. It’s about showing up. That’s the real superpower.”
Tungkol nga iyon sa pagpapaunlad ng kanyang physical being (via weights) kung saan niya raw natatagpuan ang tunay na kasiyahan, maging patient, consistent at mapaligiran ng mga taong naniniwala sa kanyang journey.
May emote pa ito na noong bata pa siya ay nagsusuot na siya ng Spider Man suit at dito lang niya naramdaman ang hatid nitong power.
Malalim at makahulugan. Sinagot nga ito ni Diego ng “Nope. 100% she only cared when the abs were there and cared about 10 other guys when they weren’t (laughing emoji).”
Tila may nais iparating si Marco sa kung kanino man dahil sa post niya. Mas naging malinaw lang sa mga netizens na may pinatutungkulan ito dahil naman sa reaksiyon ni Diego na tinawag ding ‘pakialamero’ na wagas din daw magkomento.
“Feeling naman n’ya ay wala s’yang mga naging isyu sa mga nakarelasyon n’ya,” hirit pa ng netizen.
Magre-react pa kaya si Heaven Peralejo?
Comments