Binata pa rin sa edad na 30… DOC KENNETH, HAPPY NA CRUSH SIYA NI KATHRYN
- BULGAR
- Apr 14
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 14, 2025
Photo: Dr. Kenneth Hizon at Kathryn Bernardo - Instagram
Maramio ang kinikilig na mga fans at supporters ni Kathryn Bernardo sa nabalitaan nilang ‘first crush’ din pala noon ni Dr. Kenneth Hizon ang dalaga.
Sa panayam sa doktor ng TV5, nabanggit nga niyang minsan din niyang kinagiliwan ang pagiging masayahin ni Kath, lalo na ‘yung pagka-bright nito.
Ayaw daw niyang mag-assume na siya nga ‘yung ‘Kenneth’ na sinasabi pero since naging classmates nga sila sa Christian Montessori School sa Cabanatuan, Nueva Ecija noong Grade 2 sila, baka nga siya na. Hahahaha!
Masaya na45man daw siya sa nabalitaan dahil aniya, “Sino ba naman ang hindi matutuwa sa sinabi ng isang Kathryn Bernardo?”
Kaya naman ang mga shippers-fans ni Kath ay nagpaplano nang pagtagpuin sila at i-reconnect dahil anila, “Baka may something nga para sa kanila ang tadhana. Kaya Doc, pagalawin mo na ang baso.”
At 30 years old, binata pa raw at walang commitment ang doktor kaya lalong kinilig ang mga netizens.
Marjorie, rumesbak, naglabas ng resibo…
DENNIS, BUKING NA SINUNGALING, TODO-DRAMA PARA KAAWAAN SA SOCMED
BIGLA nga ring ini-off ni Dennis Padilla ang comment section ng kanyang socmed (social media) account.
Hindi na marahil makayanan ni Dennis ang grabeng batikos sa kanya ng mga netizens after magsalita si Marjorie Barretto.
Sa dami kasi ng inilabas na detalye ni Marj na may kasamang video at photo, napatunayan ngang tila may pagsisinungaling sa panig ni Dennis.
Sa naturang mga videos at photos kasi ay makikitang nag-e-enjoy makipaghuntahan at makipagpiktyuran si Dennis sa mga bisita, kasama na ang pamilya ng napangasawa ng anak na si Claudia.
May isang photo pa kaming nakita na masaya ring nag-uusap ang nanay ni Dennis at si Marj, katabi si Dennis.
Naging higit na kapani-paniwala rin ang sinabi ni Marjorie na may bitbit na videographer si Dennis na tila nabigyan ng instruction sa mga kilos at galaw ng father of the bride sa nasabing wedding.
“Siyempre, magagamit nga naman sa socmed ang anumang nais nilang ipalabas o ipakita,” sey pa ni Marjorie.
Ang kaibigan ni Dennis na si Janno Gibbs na nagpahayag lang ng simpatya sa kaibigan ay nakipagbardagulan din sa socmed matapos itong i-bash at tawaging ‘enabler’ ng mga netizens.
Si Kier Legaspi naman na tatay ni Dani Barretto ay nagpahayag din ng pang-unawa sa sinapit ni Dennis at naikuwento pa nito ang noo’y pagtira sa bahay niya ni Dani matapos itong maglayas kay Marjorie Barretto.
Hmmmm… mukhang hindi pa rito matitigil ang usapin, ‘noh?
NGAYONG yumao na si Mamita Pilita Corrales, matutuloy pa kaya o itutuloy pa ni Janine Gutierrez ang noon pa niyang nakaplano na pag-produce ng documentary movie tungkol sa lola niya?
Minsan na nating naibalita rito na nakipag-usap na si Janine kay Direk Baby Ruth Villarama (ng Sunday Beauty Queen fame) na napipisil niyang magdidirek ng naturang documentary tungkol sa Asia’s Queen of Songs.
In fact, nu’ng naging sila na ni Jericho Rosales na lagi pa niyang isinasama sa mga weekend meet nila with Mamita at iba pang okasyon like noong Christmas at New Year, mukhang naging interesado si Echo na makipag-collab bilang co-producer ng nasabing docu project.
Sana nga, ituloy nila ito dahil more than being a good project para sa isang icon at haligi ng industriya ng music, TV and film, magsisilbi itong napaka-appropriate na tribute at legacy ng isang Pilita Corrales.
Magsisilbi rin itong magandang reference material para sa future use ng mga darating na generation ng mga mag-aaral ng Phil. entertainment industry.
Comments