Binabakuran daw siya dahil kay Elijah... XYRIEL, TODO-TANGGOL SA BF, RUMESBAK SA MGA BASHERS

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 5, 2024

Napuno na ang Kapamilya actress na si Xyriel Manabat sa mga bashers ng kanyang non-showbiz boyfriend kaya naman may sey siya sa mga ito.
Ito ay matapos ang naging interview niya sa premiere night ng pelikulang My Sassy Girl, kung saan natanong siya ng ilang questions na hindi kasama sa na-brief sa kanila kaya agad na nagpaalam ang aktres at hindi nasagot ang ibang katanungan.
Iba naman ang naging dating nito sa netizens kaya inatake ng ilan sa mga ito ang kanyang real-life boyfriend.
Hirit ng netizens, binabakuran daw ng boyfriend ni Xy na si Nathaniel Toledo ang aktres kaya raw iwas itong sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ng kanyang "Senior High" co-star na si Elijah Canlas.
Sey nga ni Xy sa mga bashers, no need na ang pambabakod dahil suportado nila ang isa't isa.
Matapang na pinuna at tinawag ng aktres na toxic ang mindset ng mga nangkaladkad sa pangalan ng kanyang boyfriend at ipinagtanggol na rin niya ang nararamdaman sa sitwasyon.
Matatandaang nag-click ang tambalan nila ni Elijah Canlas sa hit TV series na "Senior High" kung saan ginampanan nila ang karakter nina Archie at Roxy.





Comments