top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Binababoy ni "Bato" ang Konstitusyon 'pag nagpa-substitute siya

BULGAR
Oct 17, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 17, 2021


Ibinabala na ang La Ninya.


Huh, tag-araw na, ha?


◘◘◘


PINALITAN na ni Amihan si Habagat.


Kaya pala napakarami ng “mahahangin” sa mga kandidato!


◘◘◘


PINALAWIG ang oras sa voter’s registration.


Puwede rin magrehistro kahit Sabado.


Yipeee!


◘◘◘


BAKIT kaya naiiwanan ang kandidato ng ruling party na si "Bato" dela Rosa?

Ngayon lang tayo nakakakita na ang “nuisance” ay presidential bet ng administrasyon.


Pang-Guinness Book of World Records” 'yan!


◘◘◘


KAPAG nagpa-substitute si Heneral Bato, panibagong intriga 'yan.


Kasi’y aktuwal na binababoy ang proseso ng halalan!


◘◘◘


MEDYO excuse si P-Digong nang gumamit ng substitution kasi’y wala talaga siyang partido na magagamit.


Ngayon ay hawak nila ang gobyerno sa loob ng anim na taon, pero bakit nang-aagaw sila ng partido at gagamit ulit ng substitution.


Mahirap ispelingin talaga ang mga Bisoy?


◘◘◘


SA totoo lang, ayon sa mga doktor, marami ang lihim na dumaranas ng mental illness.

Sa tingin natin, marami riyan ay nasa pamahalaan.


Lalo ang mga nagpapanik na mawala sa poder!


◘◘◘


ANG lahat ng bagay ay may hangganan.

Tama ang desisyon ni Mayor Sara na manahimik na lang.


Pabor 'yan sa kanyang mister at mga anak!

◘◘◘


SANGKATUTAK na ang COVID-19 vaccines sa bansa.


Hindi kaya gamitin na rin 'yan sa kampanya?


◘◘◘


PUWEDE nang magpabakuna ang mga bata.


Nauna nang nagpa-vaccines ang mga batang-isip!


◘◘◘


MALAKI ang papel na ginagampanan ngayon ng internet.


Pero, sa aktuwal, mayorya pa rin ng teritoryo ng Pilipinas mahina ang signal na telecom!


◘◘◘


IBABALIK na ang face-to-face class sa mga eskuwelahan.


Maraming paslit ang maaabuso ng mga titser!


◘◘◘


IBINABA na sa P500 ang boundary sa mga taxi mula P1-K kada araw.

Pero, hindi pa rin nakakapag-entrega ng boundary dahil walang mananakay.


Ang resulta, maraming taxi driver ang may black eye sa umbag ni misis!


◘◘◘


WALANG kita ang mga magsasaka.


Luma nang balita 'yan!


◘◘◘


BINUBUHAY ang isyung Ferdinand Marcos versus Ninoy.


Hindi naman kandidato ang mga naturang patay!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page