top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bilyun-bilyong Agri products na ang napuslit, wala pa ring nakukulong?!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 20, 2023
1 min read

@Editorial | May 20, 2023


Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa talamak na agricultural smuggling sa bansa.


Umabot na sa hirit na parusang kamatayan sa sinumang sangkot sa pagpupuslit.


Ang nakapagtataka at nakapanlulumo, sa kabila ng malalaking isyu sa pagpupuslit ng mga produktong-agrikultural ay wala pa ring naparurusahan. Pitong taon na ang Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, pero tila hindi pa rin ramdam.


Matagal na pala tayong may batas para protektahan ang mga lokal na magsasaka at ang kabuuang sektor ng agrikultura laban sa smuggling, bakit parang mas lumalakas pa ang mga ganid?


Nasa batas ba ang problema o nasa nagpapatupad?


Sabihin na nating may butas ang batas kontra smuggling, pero sana ay mas nakita ito agad ng kinauukulan at nagawan ng paraan. Tulad ng inihihirit ngayon na maisama ang hoarding, profiteering at cartel sa mga ituturing na economic sabotage.


Sana ay hindi pa huli ang lahat. Sana ang pagbuo ng Anti-Agricultural Smuggling Task Force, Anti-Agricultural Smuggling Court at special prosecution team ay maging daan para sa hinihintay na tunay na babangga sa mga smugglers at kanilang protektor.


Hangga’t may sinasandalang pader ang mga ganid na traders, hindi sila mawawala kundi lalo pang lalakas.


Ang kailangan natin ay totoong lingkod-bayan na handa at kayang ipaglaban ang mga local producers at hindi 'yung walang magawa sa taas-presyo at laging takbuhan ang importasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page