Bilyones ang intel funds, tapos fake news ang impormasyon?!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 20, 2020
FAKE NEWS NINA LORENZANA AT PANELO, IBINUKING NG PAF—Ibinuking ng PAF (Philippine Airforce) na fake news lang ang atake nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na gumamit si VP Leni Robredo ng C-130 plane para maghatid ng relief goods sa Catanduanes, dahil wala naman daw record sa PAF headquarters na gumamit nang ganitong eroplano ang VP.
Mantakin ninyo, bilyones ang intelligence fund ni P-Duterte, tapos ang nakukuhang impormasyon ng mga katropa niyang sina Lorenzana at Panelo ay fake news, mga buwisit!
◘◘◘
DAPAT ISALPAK NINA LORENZANA AT PANELO SA KANILANG KUKUTE NA HINDI PAG-AARI NI P-DUTERTE MGA ASSETS NG AFP—Sinabi ni AFP (Armed Forces of the Philippines) spokesman Gen. Edgard Arevalo, kung totoo man na gumamit ng C-130 plane si VP Leni ay wala raw kuwestiyon ito dahil kahit ano’ng sasakyan ng militar, tulad ng mga air, naval at land assets ay puwedeng gamitin ng VP.
Ang sinabing ‘yan ni Gen. Arevalo ay dapat isalpak nina Lorenzana at Panelo sa kanilang kukute kasi sa tema ng kanilang fake news, parang pag-aari ni P-Duterte ang mga assets ng AFP kaya ayaw nilang ipagamit ito kay VP Leni, boom!
◘◘◘
POB, PMG, PCG AT PPA “NGANGA” SA OIL SMUGGLING SA BATANGAS AT QUEZON—Lantaran na ngayon ang oil smuggling operations ng “Paihi Gang” nina alyas Manolo at Blanco sa mga baybaying dagat na sakop ng Batangas at Quezon.
Kung lantaran na, ibig bang sabihin niyan ay “nganga” lang ang mga opisyal ng Port of Batangas (POB), Police Maritime Group (PMG), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Port Authority (PPA) sa raket na ito ng mga oil smugglers? Mga buwisit!
◘◘◘
NAGKALAT NA “FRUIT GAMES” MACHINES SA LAS PIÑAS, BAKA PAGMULAN NANG HAWAAN NG VIRUS—Isang alyas Oye raw ang naglatag ng may 100 “fruit games” machines sa iba’t ibang barangay sa Las Piñas City.
Nakupo, baka pagmulan ‘yan nang hawaan at paglaganap ng COVID-19 sa Las Piñas, kaya’t hangga’t may panahon pa, dapat utusan na ni Mayor Imelda Aguular si chief of police, Col. Rodel Pastor na “tokhangin” si “Oye” at kumpiskahin ang mga “devil machines” na ito, period!





Comments