Bilibid hospital, gagawing pang-world-class

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 8, 2023

Gagawing world-class facility ang New Bilibid Prison (NBP) hospital sa Muntinlupa City sa lalong madaling panahon upang maglingkod sa mga pangangailangan ng mga detinado at ng mga kasalukuyang / dating mga opisyal at kawani ng Bureau of Corrections (BuCor).
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ngayong Miyerkules, na ang ospital ng NBP ay kasalukuyang sumasailalim sa renovation at upgrading.
Ililipat ang lahat ng mga PDL sa NBP sa ibang piitan sa taong 2028, at tanging ang mga pasilidad at opisina ng BuCor ang mananatili sa Bilibid.
Ayon kay Catapang, bahagi ang paglipat ng 10-year development plan ng BuCor para itatag ang mga piitan sa bawat rehiyon ng bansa.





Comments