top of page

Bilib sa pagrampa abroad ng misis ni SP Chiz… GRETCHEN, NA-INSPIRE KAY HEART, NAGPAPAYAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 7, 2024



Showbiz News

Nagpahayag ng paghanga si Gretchen Barretto sa fashion icon na si Heart Evangelista. Puring-puri ni La Greta ang misis ni Senate President Chiz Escudero. Ang husay-husay daw ni Heart sa kanyang pagrampa sa Paris, New York at Milan Fashion Week. Magaling daw itong magdala ng mga top designer outfits tulad ng Hermes, Dior, Chanel, Prada, Carolina Herrera, Louis Vuitton atbp.. 


Ibang-iba raw ang aura at appeal ni Heart kumpara sa ibang models-celebrities na dumadalo sa mga fashion events.


Samantala, naging inspirasyon nga ni Gretchen Barretto si Heart, kaya nagpursige siya to lose weight at maging conscious sa kanyang hitsura. 

Kaya naman, kahit 54 yrs. old na ngayon si La Greta at may apo na ay diyosang-diyosa pa rin ang kanyang hitsura.  


Tameme sa relasyon sa BF na doktor…

KRIS, AYAW NG GARDEN WEDDING


Kris Aquino

KUNG fake news ang nabalitang pagpapakasal ni Kris Aquino sa karelasyong doktor, tiyak na hindi rin totoo ang kumakalat na balita sa socmed (social media) na hindi raw boto ang mga kapatid ni Kris sa kanyang nobyong si Doc Michael. 


Wala namang binabanggit si Kristeta sa kanyang Instagram (IG) kung na-meet at naipakilala na niya sa kanyang mga kapatid ang BF na doktor.


Ang tiyak, na-meet na ito nina Bimby at Josh, pero mukhang wala pang balak si Kris na i-share sa publiko ang mga latest na kaganapan sa kanyang buhay-pag-ibig. 


Nang magtanong nga ang isang kaibigan na super close kay Krissy, ang tanging nilinaw ng TV host ay hindi totoo ang tungkol sa magaganap na wedding niya na gagawin daw sa garden ng isang malaking resort. 


Allergic si Kris sa lahat ng klaseng halaman, damo o bulaklak dahil sa kanyang asthma, kaya hindi puwede sa kanya ang garden wedding. 


Samantala, marami ang nag-aabang ngayon sa announcement na manggagaling mismo kay Kris Aquino kung gusto pa nga ba nitong magpakasal at posible kaya itong maganap bago matapos ang taong 2024?



EXCITED si Piolo Pascual sa pagsasama nila ni Vic Sotto sa pelikulang The Kingdom (TK) na ilalahok sa MMFF 2024. Espesyal ang project na ito dahil magiging bahagi ang TK sa 50th anniversary ng MMFF. 


Matagal nang idolo ni Piolo si Bossing Vic at pinanonood niya ang mga pelikula nito, kaya tuwang-tuwa siya nang ialok sa kanya ang TK


Unang pagtatagpo pa lang nila ni Bossing Vic ay na-intimidate na siya at nanginig sa nerbiyos. Pero, naunang gumawa ng paraan si Bossing Vic upang gumaan ang kanilang mga eksena. 


Anyway, hindi comedy/fantasy ang TK. Isa itong epic drama, at seryosong Vic Sotto ang mapapanood ng lahat. Tiyak na magugulat ang lahat ng mga fans niya. 


Sumailalim din sina Piolo at Bossing Vic sa martial arts training dahil kailangan sa istorya.


Well, malaking privilege para kay Piolo Pascual ang makatrabaho ang icon at magaling na komedyante tulad ni Vic Sotto. At tiyak na marami siyang matututunan kay Bossing.



CAREER-ORIENTED si Sanya Lopez at naka-focus lang sa kanyang trabaho, hindi niya prayoridad ang kanyang love life dahil marami siyang pangarap na gustong abutin.


Ayaw niyang sayangin ang mga oportunidad sa kanyang career. 

Isa si Sanya sa major cast ng Pulang Araw (PA), kasama sina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Dennis Trillo, Angelu de Leon, atbp. Gusto ni Sanya na maging financially stable muna at maging matagumpay ang kanyang career bago mag-settle down.


Marami siyang hirap na pinagdaanan noon bago nabigyan ng break sa GMA Network, kaya kinakarir niya nang husto ang pag-arte. Napakasipag at dedicated sa kanyang trabaho si Sanya, kaya hindi siya nawawalan ng project sa Kapuso Network. 


Mahusay din siyang humawak ng kanyang kinikita sa showbiz dahil bukod sa bagong bahay na kanyang naipundar, may bago rin siyang sasakyan—isang sports car na Mazda na nagkakahalaga na nasa P2.3 million. Agad niya itong ipina-bless sa simbahan ng Our Lady of Manaoag sa Pangasinan. Si Sanya mismo ang nag-drive ng kanyang kotse papuntang Manaoag, Pangasinan.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page