Bilang ng text scams, bumaba — DICT

Updated: Dec 19, 2023
ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 18, 2023

Nagdulot ang SIM Card Registration Act ng mas kaunting scam messages sa text, ayon sa pahayag ng Department of Information and Communications Technology ngayong Lunes, ngunit hindi nagbigay ng anumang bilang.
"Sa aming monitoring, mas kumonti ang mga text scams gamit ang SMS messaging o yung mga traditional messaging," sabi ni DICT spokesperson Renato Paraiso.
"Kumonti, dahil sa SIM Card Registration Act natin, nagiging identifiable ang callers natin sa traditional text," dagdag niya.
Sa kabila ng pahayag ng DICT, ilang gumagamit ng mobile phone ang patuloy pa ring nakatatanggap ng mga scam messages sa pamamagitan ng text nang ilang beses kada linggo.
Ipinaliwanag naman ni Paraiso na dahil ito sa mga hindi rehistradong SIM cards na hindi pa na-"filter" mula sa sistema.





Comments