top of page
Search

Patay sa Gaza, 17,700 na

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 10, 2023




Mahigit sa 17,700 na Palestino ang nasawi at 48,780 ang sugatan sa mga atake ng Israel sa Gaza mula pa noong Oktubre 7, ayon sa Gaza's Health Ministry.


Ipinahayag ni Ashraf Al-Qidra, tagapagsalita ng Hamas-run ministry, na sa mga nagdaang oras, dalawang paramedic ang nasugatan nang salakayin ng mga pwersa ng Israel ang isang ambulansya habang nag-e-evacuate ito ng mga sugatan mula sa European Hospital ng Gaza.


Itinanggi niya ang tinatawag na laban ng Israel sa mga ospital, ambulansya, at mga medical team.


Ayon sa Israel, nag-o-operate ang Hamas mula sa loob ng mga ospital, at ipinakita ang footage bilang suporta sa kanilang pahayag.

0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page