Bike ramps, ikinabit sa mga footbridge sa QC
ni Lolet Abania | October 2, 2022

Inanunsiyo ng lokal na gobyerno ng Quezon City na nakapag-install na sila ng mga bike ramps sa Quezon Memorial Circle at 40 iba pang footbridge sa paligid ng lungsod, nitong Sabado.
Ayon sa QC government, isa ito sa kanilang paraan para matiyak ang kaligtasan ng mga bikers at mahikayat din ang iba pa na magbisikleta.
“Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga QCitizens na magbisikleta at gumamit ng alternative transportation dahil bukod sa eco-friendly at abot-kaya, ito ay nakapagpapabuti sa kalusugan bilang ehersisyo,” batay sa pahayag ng QC government.
Hindi lamang ang mga QCitizens ang makikinabang sa bike ramps kundi pati na rin ang ibang siklista na daraan sa mga lugar sa lungsod.





Comments