top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bigyang-tulong ang micro, small, at medium enterprises sa ‘Pinas

  • BULGAR
  • Jul 11, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 11, 2021


Noong Miyerkules ay tinalakay sa Senado ang mga programang ginagawa ng pamahalaan para tulungan ang maliliit na negosyo sa bansa.


Lumalabas sa mga pag-aaral na isa sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya ay ang mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs).


Bilang tugon, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na naglabas na ng PHP4.79 bilyon ang kanilang ahensiya para mabigyan ng loans at matustusan ang pangangailangan ng mga MSMEs.


☻☻☻


Maganda ang layunin ng mga programa ng pamahalaan para sa mga MSMEs, ngunit kailangan din nating pag-aaralang mabuti kung may ibinubunga ba ang mga livelihood programs.


Nakalulungkot dahil inamin mismo ni Secretary Lopez na wala pa silang pag-aaral tungkol sa success rate ng kanilang mga programa.


Napakahalagang namomonitor ito para makita natin kung gaano ito ka-epektibo at kung natutupad ba ang layuning matulungan ang mga MSMEs.


☻☻☻


Nagpapasalamat naman tayo sa pamunuan ng DTI dahil naging bukas sila sa ating panawagan.


Nangako si Secretary Lopez na magsasagawa sila ng survey tungkol sa kanilang programa. Bukod dito, sinabi niya na kanyang aalamin kung may data sharing ang mga ahensiya ng gobyerno para sa mga benepisaryo ng mga livelihood programs.


Ito ay para maiwasang ma-doble ang mga benepisaryo sa mga ahensiya na pare-parehong may livelihood programs tulad ng Departments of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), at Department of Environment and Natural Resources (DENR).


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page