Bigtime roll back
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
ni Lulet Abania @News | April 19, 2026

Photo: File
Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nitong Sabado, Abril 18 ang mga kumpanya ng langis na ipatupad nang buo ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa gitna ng inaasahang malaking pagbawas nito sa susunod na linggo.
Sa isang video message, sinabi ni PBBM na inaasahang bababa ang presyo ng diesel ng P24.94 kada litro, gasolina ng P3.41, at kerosene ng P2.00.
“Mas malaki ito kaysa sa rollback noong nakaraang linggo at malinaw ang ibig sabihin nito para sa ating lahat. May ginhawang parating,” pahayag ng Pangulo.
Dagdag pa niya, “At sa ating mga oil companies, malinaw naman ang aking panawagan. Ipatupad ninyo ang rollback nang buo, tama, at walang pagkaantala. Ibigay ninyo sa taumbayan ang dapat naman na nasa kanila.”
Matatandaang sinabi ng Department of Energy (DOE) nitong Miyerkules na maaaring asahan ang isa pang round ng rollback sa susunod na linggo.




Comments