top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bigtime oil price hike, non-stop... Tigil-pasada sa Sept. 14 at 15

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
1 min read

by Benjamin Chavez @News | September 13, 2026



Bigtime oil price hike, non-stop... Tigil-pasada sa Sept. 14 at 15

Photo: File / Manibela



Kasado na sa Lunes, Setyembre 14, ang dalawang-araw na tigil-pasada ng grupong Manibela bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. Magtatagal ang protesta hanggang Martes, Setyembre 15.


Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, kulang ang ginagawa ng Department of Energy (DOE) upang mapigilan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.


Samantala, naghahanda ang pamahalaan ng libreng sakay sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga pasaherong maaapektuhan at makapasok pa rin sa trabaho at paaralan.


Sinabi naman ng DOE na patuloy ang fuel subsidy program na itinaas na sa P12 kada litro, habang dumarami ang mga gasolinahang nakikilahok sa programa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page