Bigtime oil price hike, non-stop.. Ayuda, ibigay na — Tsuper

ni Mai Ancheta @News | August 7, 2023

Kinalampag ng transport groups ang gobyerno na ilabas at ipamigay na ang P6,000 fuel subsidy para sa mga public utility vehicles (PUVs) sa lalong madaling panahon upang maibsan ang epekto ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Boy Vargas, presidente ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), nakipag-ugnayan na sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang maibigay na sa kanila ang fuel subsidy.
Nanawagan din si Vargas sa mga senador at mga kongresista na paglaanan ng budget ang mga pampublikong tsuper para sa tuluy-tuloy na fuel subsidy dahil puro pagtaas na ang nangyayari sa presyo ng produktong petrolyo.
Matatandaang inanunsiyo ng LTFRB noong Hulyo na mamamahagi sila ng fuel subsidy ngayong Agosto mula sa inilaang P2.5 bilyon na pondo.





Comments