top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Biglang nagbabu after 44 yrs… TVJ: EAT BULAGA, 'DI PINAYAGANG UMERE NG TAPE, INC.

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 1, 2023
2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 1, 2023



Tuluyan nang nagpaalam sa TAPE, Inc. sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ng Eat… Bulaga! kasama ang mga Dabarkads kahapon, May 31, 2023.


Sa kanilang Facebook Live, si Tito Sen ang unang nagsalita na ganito ang naging pahayag, "Pumasok po kaming lahat ngayong araw para magtrabaho pero hindi po kami pinayagan ng new management na umere nang live."


Sinundan naman ito ng pahayag ni Joey habang nasa likod nila sina Jose Manalo, Wally Bayola at iba pang Dabarkads ng Eat... Bulaga!.


Aniya, "July 30, 1979 po nang simulan namin ang Eat…Bulaga!, 44 years na po ito ngayong taon. Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga naging tahanan namin, ang RPN-9 for 9 yrs., ABS-CBN for 6 yrs. at ang GMA for 28 yrs."


Pahayag naman ni Bossing Vic, "Salamat din sa lahat ng advertisers mula 1979 na nagmahal, nagtiwala at sumuporta sa amin.


"Ganu'n din sa inyo, mga Dabarkads, sa mga manonood, sa inyong pagmamahal sa programang naging bahagi ng inyong tanghalian."


Kasunod nito ay pinasalamatan din niya si Mr. Tony Tuviera para sa pamilyang nabuo nila dahil sa EB!, at siyempre, ang Panginoong Diyos dahil never daw silang pinabayaan.


Malaman naman ang sinabi ni Bossing na "Hindi na po namin iisa-isahin pa ang laman ng aming puso. Ang hangad lang po namin ay makapagtrabaho nang mapayapa, walang inaagrabyado at may respeto sa bawat isa.


"Maraming salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa muli… Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo't isang tuwa."


Simple, subali't tagos na tagos sa puso ang naturang pamamaalam na 'yun ng TVJ at talagang ikinalungkot nga ito ng sambayanan.


Aabangan natin ang mga susunod na kaganapan dahil wala pang opisyal na anunsiyo kung saan na sila lilipat at kung ano'ng title ng show nila.


Though tila umuugong ang Dabarkads title na posible nilang gamitin kung magtatagal pa raw ang labanan nito sa aspetong legal dahil property nga ng TVJ ang title na Eat... Bulaga!.


Hay, nakakalungkot namang tunay, wala na sa GMA-7 ang mga Dabarkads.


Balita rin na mass resignation daw ang naganap dahil ang posisyon at paninindigan ng lahat ng staff at mga Dabarkads ay kung nasaan ang TVJ, nakasunod sila.


Ang tanong ng madla, sa TV5 na ba o sa ibang channel na mapapanood ang TVJ at mga Dabarkads? Kung sakali, ano naman ang mangyayari sa mga katapat na programa ng nasabing noontime show?!


For sure, aabangan natin 'yan mga, Ka-BULGAR!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page