top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Biglang-kambyo dahil takot ma-bash... Bro. Velarde, laban-bawi sa pagsuporta kay BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 22, 2022



TODA, DAPAT ISAMA NG GOBYERNO SA TAWID-PASADA PROGRAM–Kabilang sa mga tinamaan ng matinding dagok sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay ang mga miyembro ng Tricycle Operator and Drivers Association (TODA), at dahil d’yan ay tiniyak ng TODA partylist na sakaling palarin sila sa halalan ay agad nilang isusulong na maisama sa Pantawid Pasada Program ng gobyerno ang mga pampasaherong tricycle.


Sa sistema ngayon, tanging tsuper lang ng mga pampasaherong jeep ang nakatatanggap ng P5,000 ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng programa, at hindi kasama ang TODA gayung pamamasada rin naman ang kanilang ikinabubuhay.


Sa totoo lang, mainam na nagkaroon ng sariling partylist ang TODA kasi magkakaroon na sila ng “boses”, dahil mula nang mauso ang partylist ay wala pa tayong nabalitaan na partylist representative na nagpakita ng malasakit sa mga tsuper ng tricycle, period!


◘◘◘


MAYOR SARA, WALANG KONTROL SA DDS–Inindorso ng mga DDS na kasapi ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Council (MRRD-NECC) ang kandidatura ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno.


Patunay ‘yan na hindi kontrolado ni presidential daughter, vice-presidential candidate Mayor Sara Duterte ang mga DDS dahil dapat si presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos ang suportahan ng mga Duterte supporters dahil katandem niya si BBM, pero ang masaklap, si Yorme ang suportado ni DDS, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


MAYOR SARA, LAGLAG SA LOYALISTA?–Ayon sa political analyst na si Prof. Dindo Manhit, kung susuriin ang resulta ng survey ay tila hindi sinusuportahan ng loyalista ang kandidatura ni Mayor Sara dahil hindi tugma ang rating ng magkatandem na BBM-Sara.


Inihalimbawa ni Manhit ang resulta ng survey ng Pulse Asia na 60% si BBM, samantalang 50% lang ang rating ni Sara at sa SWS naman ay 50% ang rating ni Bongbong habang ang mayora ay 44% lang.


Kung ang gustong tumbukin ni Prof. Manhit ay laglag si Sara sa mga loyalista, parang may dahilan naman ang mga loyalista kasi lantaran na ang pagsuporta ng mga DDS kay Yorme, boom!

◘◘◘


DAHIL SA LABAN-BAWI NA ‘ENDORSEMENT’ NI BRO. MIKE VELARDE, NAPUTAKTI SIYA NG PAMBA-BASH SA MGA LOYALISTA AT DDS–Binash ng mga loyalista at DDS si Bro. Mike Velarde kasi mistulang binawi nito ang ‘endorsement’ sa kandidatura ng BBM-Sara nang sabihing hinayaan niya ang mga kasapi ng El Shaddai na iboto kung sino ang kursunada nilang iboto sa pagka-pangulo at bise-presidente.


Next time, dapat tiyakin ni Bro. Mike kung sinong kandidato ang dapat suportahan ng El Shaddai at hindi ‘yung naglalaban-bawi siya sa pag-eendorso para hindi siya naba-bash, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page