Bigas, super oa na sa mahal, lpg sumabay pa
- BULGAR
- Sep 2, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 2, 2023
PARA NAMANG NAMBUBUWISIT ANG DOE AT ERC KASI HALOS WALA NA NGANG MAILUTO ANG PINOY SA MAHAL NG PRESYO NG PAGKAIN, ITINAAS PA ANG PRESYO NG COOKING GAS -- Inaprub ng Dept. of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang dagdag na P6.65 per kilogram sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Para namang nambubuwisit itong mga alagad ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa DOE at ERC kasi halos wala na ngang mailuto ang mamamayan dahil sa sobrang mahal ng presyo ng bigas at iba pang produktong pagkain, mantakin n’yong nagawa pang iaprub ang taas-presyo ng cooking gas, buwisit!
◘◘◘
DA, PULIS AT LGU ‘NGANGA’ LANG SA TAAS-PRESYO NG BIGAS -- Nanawagan si P-BBM sa publiko na i-report sa Dept. of Agriculture (DA), sa pulis at sa local gov’t. unit (LGU) ang mga rice traders na nang-aabuso sa taas-presyo ng bigas kasi ang dapat lang daw na presyo per kilo ng bigas sa merkado ay P41 per kilo sa regular milled rice at P45 per kilo well-milled rice.
Sa totoo lang, boladas lang ni P-BBM ang statement niyang ito kasi araw-araw ibino-broadcast ng mga TV at radio stations, pati sa social media, na ipino-post ang presyo ng per kilo ng bigas na ang pinakamura ay P50 per kilo, pero wala namang aksyon at “nganga” lang ang DA, kapulisan at LGU sa taas-presyo ng bigas, boom!
◘◘◘
PAKIKIPAGMABUTIHAN NG ‘PINAS SA CHINA, TIGILAN NA! -- Sa inilabas na bagong mapa ng China ay mas pinalawak pa nito ang kanilang dash line o teritoryo sa South China Sea, at kabilang sa sinakop ay ang karagatang sakop ng Pilipinas.
Dapat na talagang tigilan ng Philippine gov’t. ang pakikipagmabutihan sa China kasi habang nagpapakita tayo ng mabuti sa kanila, ay pang-aabuso naman ang isinusukli ng China sa ‘Pinas,
period!
◘◘◘
SI MVP ANG SISIHIN SA PAGKA-BOKYA NG GILAS PILIPINAS, HINDI SI CHOT REYES -- Sports muna tayo. Sa totoo lang, hindi si Gilas Coach Chot Reyes ang dapat sisihin kung bakit wala pang naipapanalo ang team Philippines sa kabila na sa Pilipinas idinaos ang unang FIBA Basketball World Cup 2023.
Ang dapat sisihin dito ay si Samahang Basketbolista ng Pilipinas (SBP) Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan, kasi alam naman na ni MVP na palpak na basketball coach si Chot Reyes, ay ayaw pang palitan, kaya ang resulta, bokya ang ranking ng ‘Pinas sa FIBA Basketball World Cup 2023, boom!





Comments