top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bigas magmumura, ulam magmamahal dahil sa non-stop oil price hike

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 10, 2024
1 min read

by Info @Editorial | July 10, 2024



Editorial


Inaasahan umanong bababa ang presyo ng bigas ng P5 kada kilo sa pagbawas ng pamahalaan ng taripa sa imported rice sa 15% mula 35%.


Mas mura na raw ito sa P50 kada kilo pagpasok ng Agosto.


Ayon sa kinauukulan, bigas ang pangunahing nagtutulak ng inflation o ng bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin simula pa noong Setyembre 2023 at mahigit kalahati pa ang ambag nito sa inflation para sa konsyumer noong nakaraang taon. Para sa mas mahihirap, lalong mabigat ang epekto nito, kaya’t kailangang agad ibsan.


Ang problema, magmura man ang bigas, tiyak na magmamahal naman ang presyo ng ulam at iba pang bilihin dahil sa walang tigil na bigtime oil price hike. Ngayong linggo, mahigit piso na naman ang itinaas ng presyo sa gasoline, nasa P0.60 naman ang dagdag sa diesel at kerosene. 


Hindi lang mga namamasada ang kamot-ulo sa tuwing sumisirit ang presyo ng petrolyo kundi maging ang malalaki at maliliit na negosyo dahil lahat ay gumagamit nito. 


Kaya hanggang ngayon ay umaasa ang publiko na makaisip ng paraan ang gobyerno kung paano makakasabay ang taumbayan sa pagtaas ng presyo ng petrolyo. Kung hindi natin ito makontrol, sana ay may ibang paraan upang hindi maging grabe ang epekto sa ating kabuhayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page